mga kaspiya..ano comment po ninyo dito?...parang ginagawang hayop lang ang tao...(pero tama din cguro para magtanda mga holdapper, snatcher, kidnapper etc etc etc....minsan kasi pag gipit ang mga yan(holdapper) wala ding awa mga yan eh...)mmm..at sino kaya sa pagkaka alam nyo gumagwa ng mga ito...tingin ko pulis din ito siguro...at saka utos din ng mga matataas na politiko...
2 salvage victim natagpuan sa Maynila
By: JR Reyes
HINIHINALANG biktima ng “summary execution†ang dalawang lalaki na natagpuang patay at nakabalot ang mukha ng masking tape sa magkahiwalay na lugar sa Binondo, Maynila.
Ang unang biktima ay inilarawan na nasa edad 20-25, may taas na 5’2, kayumanggi ang kulay ng balat, maikli ang gupit ng buhok, may tattoo na Batang City Jail, at nakasuot ng itim na shortpants habang ang pangalawa naman ay nasa edad 25-30, nasa 5’4 ang taas, kayumanggi ang kulay ng balat, may tattoo na Sigue-Sigue Sputnik at nakasuot ng itim na shortpants.
Batay sa ulat ni Det. Edgardo Ko ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, sa pagitan ng alas-3:30 hanggang alas-4 ng madaling araw nang madiskubre ang katawan ng mga biktima sa Escolta St. at CM. Recto Ave., Binondo, Maynila.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang dala-wang salvage victim ay kapwa may palatandaang pinatay sa pamamagitan ng pagsakal, parehong may balot na masking tape sa mukha at papel na nakalagay sa kanilang katawan na may nakasulat na “HUWAG NINYO AKONG TULARAN! HOLDAPER AKO!â€ÂÂÂ