Bedista din ako pre, at hindi ko naman sinasabi na tama ung ginawa ng kapwa ko bedista, ang punto lang naman dito ay hindi mo ma-aalis ang kantiyawan sa kahit anong laro, lalo na sa basketball. Manood ka nga lang ng laro ng mga bata may kantiyawan na. Ang problema ay kung mag papa apekto ka dun sa pang aasar nila. Kung nag aasaran kayo, wag ka mananakit, asarin mo din, at kung wala ka namang maibalik na pang asar tumahimik ka nalang. Tungkol naman dun sa class act na sinasabi mo, tama ka, hindi class act pareho ung ginawa nila, pero mas nakakahiya ung ginawa ng coach nila. Ung ganung action expected mo sa players and sa kapwa fans, pero hindi sa coach. Overall, maganda ung parehong game, parehong close, nasira lang ng away.