naghahanap ako ng murang hotel sa may QC area
pupunta kasi ako mga around september so prepare na ng budget kung magkano gagastusin
I will be there for about a week. bibisita sa mga clients and suppliers. mostly kasi nasa QC area lahat so dun narin ako mag hotel para malapit lang. may uncle ako sa parañaque pero ang layo kasi sayang ang oras. last time nung duon ako tumira, naalanganin ako sa oras hindi ko napuntahan lahat ng gusto ko puntahan dahil I have to allot mga 2hours travel time. at least kung medyo malapit na ako, siguro mapuntahan ko na lahat ng dapat kong puntahan
open budget naman for now pero wag naman yung mga 5-star hotel hindi na kaya ng budget yan. most likely tulugan lang naman sa gabi since busy sa umaga