Eto ang kung anong meron ako...
So Meron akong computer shop at may 20 units din ako (Not Diskless setup). Gamit kong internet is PLDT DSL 6MB (3,200 a month kasama na yung telephone bill). Dota 2 at LOL lang din ang nilalaro dito samin. Okay naman yung internet speed na 6MB, wala naman LAG, basta wala lang mag yo-youtube or download. All in all satisfied naman mga customer ko.
Eto naman suggestion ko sayo....
Internet - Kuha ka ng 10MB kung kaya naman ng budget mo at kung sa tingin mo eh malakas naman ang comshop jan sa inyo. Bili ka din ng maayos na Router, as much as possible yung may tinatawag na QOS para maconfigure mo ng mabuti yung distribution ng bandwidth. Para kahit may nag yo-youtube eh hindi mag la-lag yung mga naglalaro since pina-priority nun yung gaming (syempre may configuration yun). Sakin kasi puro gaming lang naman talaga mga customer kaya di nako kumuha ng ganyang router.
Computer Clients - Mag diskless setup ka nalang. Malaki ang tipid mo jan. Kasi yung 20 HDD na bibilin mo para sana sa client eh makakabuo ka na ng magandang Diskless Server PC sa ganyang amount (around 40K). Tapos yung mga client mo eh kahit celeron nalang ang CPU mo tapos GPU na GT730 at 2GB na RAM (yan ang specs ng mga client PC ko). Lalo ngayon, maraming update mga online games, kung minsan may 3x pa sa isang araw, so pag naka diskless ka eh isang update ka lang okay na lahat.
Hope this help