Mga ka espiya ingat po kayo sa mga snatcher at holdaper na sumasakay sa bus mula NIA EDSA at Centris, tatluhan sila kung sumakay,ang ginagawa nila ay sasakay sila ng bus hiwa hiwalay na tatayo, pagdating SM, yung dalawa aagawin ang mga celfone ng mga naispatan na biktima at ang pangatlo sa dulo ay look out kung may papalag may balisong itong nakatago sa likod ng kamay. Nangyari ito kanina sa akin sa SM North...
Similar incident sakin bro, rush hour gabi, punuan ang bus, tayuan na, nakatayo ako sa bus tapos sa dami ng tao siksikan tulakan sa loob, yung isa sabi ng sabi sakin na umayos daw ako ng pwesto, tinaasan ko ng boses sabi ko pano pang iaayos ko eh wala na ngang space. uminit talaga ulo ko. pag upo ko ayos wala na akong cellphone hehe. yun pala siguro mga tatlo din sila, sinisiksik nila ako, kasabwat yung nagpapaayos sa akin ng tayo, sinusungkit na pala CP ko nung mga kasama sa bulsa. di ko naramdaman kasi nga nagtutulakan.
nalaman kong modus kasi panyo ko muna dapat mong makuha kasi nakailalim yung cp ko so malabong mahulog. eh nakita ko yung panyo ko nahulog dun sa mismong tinayuan ko bago ako naupo sa malapit na upuan. tsaka kaya pala kakasakay sakay lang nila eh biglang bumaba sa mejo malapit palang. pwede naman nilang lakarin nalang. yun, share ko nalang din para maging aware yung iba.