Dito sa Metro Manila area, parehas lang yung advertised speed nila for the same monthly fee (999 petot), pero yung wired consistently umaabot sa advertised speed nila, yung wireless most of the day, around 10-20% lang. Kung aabot man ng 100% ng speed, tuwing madaling araw at 30 minutes to 3 hours lang. Pagkatapos noon baba na ng paunti-unti hanggang umabot na sa 10-20% by 9-10 AM ng umaga. Lugi ka sobra sa wireless. Ang kagandahan pa ng wired kaysa wireless, consistent na ngang nakukuha yung advertised speed, consistent din yung ping rate nito, kumbaga hindi na masyadong lag sa online games na base sa ibang bansa ang servers.