Okay,ganito kasi yan. Lumaki kasi ako sa makalumang pamilya. Maraming bawal. Keyso ganon ganyan. Actually,karamihan sa mga pinsan ko na mas matanda sa akin and even kuya ko,hindi pa nagaasawa eh. Nakatira pa rin kami sa mga parents namin. Hindi naman sa sobrang dependent kami sa kanila,It's just that ganoon lang talaga kami pinalaki.
Plus matagal ng biyuda yung mom ko and magisa lang talaga siyang nagtaguyod sa amin kaya medyo protective. Idagdag mo pa dun na principal/teacher siya kaya talagang masungit at mahigpit.
By the way,25 palang pala ako. Typo lang.
and kahit 25 na ako,mukha pa rin akong teenager. Aaminin ko,hindi pa talaga ako handa lalo na pagdating sa financial. Wala talaga sa plano.. Kaya lalo akong nahihirapang sabihin dahil hindi ko alam ang isasagot ko kapag tinanong ako kung anong balak ko.
Pero nangyari na yung nangyari. Hindi namin sadya to pero alam kong blessing to. Paninindigan ko yung mag-ina ko and talagang magpapaka-TATAY na ko. Bigyan nyo lang ako ng maayos na advice kung pano sisimulan at diskarte para masabi ko na. THanks!