Thanks sa info sir, hindi lang sa labas ng airport meron nyan kahit sa loob dun sa parking lot ang dami nanghihingi, last time na umuwi ako dun sa parking lot kung saan naka park yung sasakyan na sumundo sakin ang dami sumalubong tinalo pa mga kamag anak ko sila nauuna, nanghihingi ng pera pangkain daw at gusto pa nila ay dollar o kaya riyal, hindi ko alam kung paano sila nakakapasok dun sa loob ng parking lot, yung iba nagpapanggap na nagtitinda ng sampaguita o kung ano man basta lang makapasok at makahingi ng pera sa mga dumadating, nakakatakot dahil madami sila at hindi sila pinapaalis ng mga guwardya.
Dapat siguro kung magpapasundo ka mas magandang gamitin yung sasakyan na tinted ang salamin para ma alapa sila na lumapit sa sasakyan nyo hindi nila kita kung sino nasa loob at syempre dapat sarado lahat ng bintana at naka lock ang pinto.