Iba po ang ammonia sa hydrogen peroxide. Mas delikado ang ammonia at nakakalusaw ng balat ang industrial strength nito. Ganoon din sa hydrogen peroxide.
TS,ang hydrogen peroxide ay mas kilala bilang disinfectant, parang rubbing alcohol. Pwede itong ipahid sa paligid ng sugat para mamatay ang bacteria. Kung kakanawin mo ito sa tubig, pwede itong ipangmumog, panghugas sa mukha, panlanggas sa tuli, atbp. Kung maghahanap ka ng pangtanggal ng pumutok na tagyawat, tumingin ka ng mga product na nasa market ngayon, except iyung may mga antifungal. Hindi nakakatanggal ng scar iyung mga Terramycin. Nakaka-prevent lang ng scar. May mga astringent na pampatanggal ng excess oil, pero nakakatuyo ng balat. Huwag sobra ang paggamit, kapag nanggigitata ka na lang. Dalasan mo na lang ang paghilamos sa araw at bago matulog. Kung may facial scrub ka, OK lang. Subukan mo iyung mga product na For Men.
Iwasan mo ring hawakan ang mukha mo ng kamay.