Nope you got all wrong mga ka espiya, That's what you called budol budol.
Nangyari na rin kasi sakin yan. at natatandaan ko kung paano nila yan ginawa sakin, parang may halong pambablackmail ang ginagawa nila. Ok, kkwento ko yung nangyari, Hope may mapulot kayo.
Year 2002, I was in 2nd year college nung mangyari yun. It happened in imus cavite monday morning. Papasok ako nun sa school at nag aabang ako ng jeep ng biglang may nagsalita. "Meron kaninang bata nakapulot ng bag, may lamang singsing" although di ako ang sinabihan pero napalingon ako, then yun na, kinausap nya na ako, sabi nya sakin "meron kaninang bata dyan nakapulot ng bag ng chinese, meron pa ngang laman na singsing ata yun pero di ko masyadong nakita" di ko naman pinapansin ng biglang lumabas yung batang sinasabi nya at dumaan dun sa harapan namin, tapos tinawag nung mama kumausap sakin. "Boy ikaw yung nakapulot kanina ng bag di ba?" di pa rin ako umiimik kasi nga alam kong style lang yun at modus yun. pero itong si bata nagsalita imbes na sumagot dun sa mama, ako ang kinausap at sinabi "Kuya tulungan mo naman ako, nakapulot kasi ako ng singsing" sabay pakita ng singsing kuno na may red tag pa, para kunwari siguro pagmamay ari talaga ng sing sing. Sabi ko sa kanya, "Itago mo nalang mas kailangan mo yan" kasi nga alam kong fake at talagang modus lang yun. sumagot si bata, "samahan mo ko kuya sa PULIS(please take note of this), sosoli ko itong singsing" pero ako naman, still convincing him na itago nya nalang yun o di kaya ibenta sa tao. Boom ayun na, umentra yung mama na nakausap ko, sabi nya, gusto mo boy bilihin ko nalang yan. so sabi ko sa bata ayan bibilihin nya na, kayo na ang mag usap, naki usap ulit si bata "Kuya di ako marunong mag bilang baka lokohin nya lang ako" wow, dahil sa maawain ako sa mga bata at kahit alam kong setup yun, naki ride on ako dahil alam ko sa sarili kong di ako maloloko. sabi ko sa mama, magkano mo ba bibilihin ang singsing? sabi nya 2k daw tapos inakbayan ako at bumulong, "di naman nya alam yung presyo nyan kaya umoo ka nalang" so wala pa rin sakin yun, nasa matinong pag iisip pa rin ako at alam ko pa rin na set up yun. ulit sabi nung bata "kuya bakit kayo nagbbulungan, balak nyo ko lokohin no?" wow ayun na, parang dun sa word na yun, nagkaroon ng konting guilt sakin tapos sinundan nya pa ng "samahan mo nalang ako sa pulis kuya, dun ko nalang sosoli" ang isip ko naman, kapag ginawa ko yun, para ngang nakikipag kuntsaba ako dun sa mama at pinag iinteresan ko yung singsing nya. Sumagot yung mama, "2k yun boy, di mo kikitain yun sa pagbabasura mo lang" so parang na convince yung bata sa sinabi nung mama kaya pumayag sya, "sabi nya sige akin na yung pera eto na yung singsing" sa harap ng maraming tao kami nag ttransaksyon kaya kahit paano komportableng akong di ako maiisahan ng mga ito. yun nga edi magbabayaran na, ng dumukot yung mama, sabi nya di pala ako nakawithdraw, magwiwithdraw daw muna sya at samahan daw namin sya. so tinuro yung china bank "malapit sa equitable bank" sabi nung bata sakin "kuya samahan mo naman ako, natatakot kasi ako" habang naglalakad, edi kwento kwento itong mama, sabi nya sa bata eh magpinsan daw kami napatingin ako sa knya, sabi nya ayus lang yun para di magduda yung bata sa kanya. edi hindi naman ako kumibo. pagdating dun sa ATM(machine), umarteng magwiwithdraw nga yung mama edi medyo may distansya kami ng biglang may dumaan ulit na isang mama, tingin ko eh parang jeepney driver. Tinawag nung bata "Manong tulungan mo naman ako!" wow nagulat ako at napasabi dun sa bata "edi ba ibebenta mo na dun sa mama yung singsing mo? bakit tumawag ka pa ng ibang tao?" Sumagot yung driver sabi nya bakit anu yun boy.
Bata: "Nakapulot po kasi ako ng singsing, edi bibilihin daw po NILAng magpinsan"
Driver: "Patingin nga?" (sabi sa bata)
Driver: "Magkano nyo naman ito bibilihin?" sabi sakin
ako: "2k daw sabi nung mama."
Driver: "2k? e mukhang mamahalin itong singsing na ito ah, bakit nyo naman niloloko ang bata?"
ako: "O edi kayo nalang ang mag usap, tutal sayo na humingi ng tulong yung bata eh"
(dumating yung unang mama)
Mama: "nasaan na yung singsing eto na yung pera"
Driver: "Pare di maganda yang ginagawa nyo sa bata (Pati ako nadamay), mamahalin yung singsing tapos 2k nyo lang bibilihin"
Mama: "e napulot nya lang naman yan"
ako: "O sige kayo na mag usap dyan alis na ako at may pasok pa ako"
Bata: "kuya wag mo ko iwan dito baka lokohin lang ako ng mga ito"
ako: "tinutulungan ka na nga e tumawag ka pa ng ibang tao, parang pagalit na ako dun sa bata"
Driver: "porket bata at walang alam lolokohin nyong magpinsan"
bata: "kuya samahan mo nalang ako sa pulis, sosoli ko nalang"
(ayun na, dun na ako nakaramdam ng takot, naisip kong baka sumabit ako dahil nga lumabas na kakuntsba ko yung mama at baka idiin ako nung driver na kasabwat ako sa panloloko dun sa bata, siguro naramdaman ng driver yun kaya ang sabi nya:)
Driver: "boy kung pera lang talaga ang gusto mo, dalahin natin sa pawnshop yan dun mas malaki ang makukuha mo, pero syempre dahil tinulungan ka namin kailangan bigyan mo din kami sa kahit konti sa mapagbebentahan"
Bata: "ano po yun? kuya samahan mo naman ako di nyo naman ako nilolokong magpinsan di ba"
ako: "sige ng matapos na yan, tara na"
ako: "dun natin sa ochoa isangla para malapit lang"
Driver: "wag don, dito sa may robinson imus mas mataas ang appraisal"
bata: "ayaw ko po sumama baka po kung saan nyo lang ako dalahin"
Mama: "sumama ka na para malaman mo na di ka namin niloloko"
bata: "kuya di ba magpinsan kayo, bigay mo nga yung wallet mo kay kuya" (sabi nya sa mama)
mama: "oo magpinsan nga kami, o eto wallet ko" Pinsan pahawak muna.
di ako naimik nakikiramdam lang, nung nasakin na yung wallet nung mama,
Bata: "kuya bigay mo nga yung relo mo dun sa mama kung tlagang magpinsan kayo."
ako: nasakin na yung wallet nya bakit pati ako kailangan ko pa ibigay.
Driver: edi niloloko nyo nga yung bata, e tara na sa pulis.
(sa takot ko sa pulis, naibigay ko din din yung relo ko, pera ko at cellphone ko, pero sabi ko dun sa mama, kunin ko sayo mamaya.)
driver: akin na yung singsing bata, ako na maghahawak
bata: kuya ikaw na humawak nitong singsing ko, natatakot kasi ako.
(so parang nung time na yun wala na sa loob ko na set up yun, napalitan na kasi ng kaba.)
Driver: tara dun tayo sa rob.
Bata: Mang driver di mo ba ko niloloko? kung talagang mabait ka, bigay mo nga kay kuya yung pera mo (bigay daw sakin)
driver: sus yun lang pala! (bumunot nilabas eh 50 pesos at binigay sakin)
Bata: kuya(ako) bigay mo nga ung wallet ng pinsan mo kay manong.
(Nawala sandali sa isip ko yung gamit ko, since iniisip ko kung paano ko makukuha yun sa isang mama)
ako: sabi nung bata, kuya una na kayo ng pinsan mo kuya nasayo naman ang singsing, hintayin ka nalang namin dito.
Nung una ayaw kong pumayag pero dahil sa laging iniinsist na magkakuntsaba kami, at sa takot na baka nga ako madamay napasunod din ako. (to make a story short)
Di ko kinuwento ang tunay na nangyari sa mga kakilala ko, dahil sa alam kong pagtatawanan nila ang kabobohan ko. Kya ang pinalabas ko eh nahypnotize ako. siguro ganito rin ang pakiramdam nung ilang nabiktima, sa takot sa kahihiyan pinalalabas nalang na ginamitan sila ng bulong o hypnotism para pa igsiin ang kwento gaya ng ginawa ko.
Lesson Learned:
1. always say NO
2. Do not talk to strangers specially kung nag iisa ka.
3. Never ever trust no one.
4. Do not be confident na hindi ka maloloko at iisipin mong makikiride on ka lang.
Pag nadali ka ng pamba blackmail nila, tapos ka na.
5. Lastly, Do not display your expensive things habang nasa public places ka.