Mag ingat sa mga "Natagis Gang"!!! Kwento ko sa inyo experience ko kanina.
Pupunta ako sa bahay ng GF ko para may ibigay akong bagay. I was driving my car when after 15meters crossing the intersection ng may kumalampag na malakas sa gilid sa may side mirror ng kotse ko. Huminto ako at tumingin sa side mirror ko, sa kalsada may nakahigang tao na natagis ko. Nilapitan ko ito at pagalit na sinabi na "di ka ba tumitingin sa tatawiran mo?" at sabi nya " pasyenya na ho nag mamadali lang kc ho ako" may lumapit na dalawang lalaki at sinabihan ako na dalhin ko sa hospital. So sinabi ko na dalhin ko sa pinaka malapit na public hospital mga 50meters lang ang lapit pero nagmakaawang tumangi ang natagis at ang dahilan nya ay sobrang tagal daw tumingin dun at di nya na kaya ang sakit at sinabi na dun na lang sa private ko sya dalhin na malapit lang din dun sa pinangyarihan na accident. Dahil na rin sa awa at pagiging kabado ko pumayag na rin ako. Pagdating namin dun sa hospital naghintay kami ng doctor at x-ray technician. Habang naghihintay kami ay lumabas ako para tumawag sa bahay namin, at biglang lumapit yung security guard at nagtanong kung napa barangay ko na daw ba yung yung kaso. Sabi ko di na kailangan dahil papagamot ko naman. Sabi ng guard "Boss ireklamo nyo ho yan sa barangay kasi ho madalas naoospital dito yan , laging natatagis ng sasakyan!" Biglang nag init ang ulo ko gusto kung suntukin pero kumalma ako at nag isip nang paraan kung ano ang dapat kung gawin dito sa scam artist na to! Una kinausap ko yung doctor at sinabi ko ang racket nung taong natagis kaya pina hold nya yung x-ray at sinabi na lumipat sa ibang hospital para ma x-ray. Pumayag naman ang mokong, bago kami umalis kinuha ko yung name nya sa chart ng hospital at lumipat kami sa isa pang malapit na hospital at nauna akong bumaba at para sabihin dun sa mga staff ang racket. Na ang kailangan ko lang ay makuha yung name nya para ma confirm ko nga kung yun yun tunay nyang pangalan at sabihin na wala rin mag x-ray sa kanya dun. Pumayag naman sila at lumapit yung nurse na lalaki at kinuha yung info nya. Nang bumalik yung nurse sinabi sa akin na "galing na din ho kaninang mga 4pm yan dito na iika ika rin!, wala lang din yung doctor na hinahanap nya kaya umalis din". Nung kinuha ko yung name na binigay nya sa nurse ibang pangalan ang binigay nya kya na confirm ko na con artist to! Kaya tumawag ako sa barangay namin at sinabi ko yung nangyari sa akin kaya sinabi nila na dalhin ko daw dun at sila na ang bahala. Kaya sinabi ko dalhin ko sya sa ibang hospital at pumayag ang mokong, pero di nya alm sa barangay ko sya dadalhin. Mukang di nya kabisado yung lugar namin kaya madali ko syang nadala sa barangay at nagulat na lang sya nang humintto kami dun. Agad akong bumaba at nag pagbaba ko nka ready na yung mga tanod para ibaba sya. Nung nasa barangay na kami nagdrama dun na mamamatay na sya sa akit at kailangan nyang dalhin sa hospital para magamot at sya daw ang biktima . Kay sinabi ng brgy. captain na dalhin sya sa public hospital na dapat dun ko syang unang dadalhin. Nung nandun na kami nagulat yung mga security guard dun at sinabi dun sa natagis ko na mokong na "Nandito ka nanaman? Kagabi natagis ka ngayon natagis ka uli? ang malas mo naman!" Kaya pala ayaw magpadala dun sa pinaka malapit na hospital e galing na pala sya dun at kilalla na sya! Kay dinala na sya sa police station, dun iba naman name ang binigay nya, pinakita yung mga chart ng hospital na may binigay syang iba iba pangalan para mapatunayan na nag sisinugnaling sya. Kaya kinulong sya dun at sabi ng mga pulis kung papademanda ko daw ba kasi daw kung hindi mga 3 araw lang daw e papakawalan din nila iyon. Wala namn akong malaking pera para maidemnda at ano na man ang mapapala ko di gastos at mag ubos ng oras at panahon. Lesson dito pag na experience nyo ito dapat calm lang kayo, be sure na lock yung kotse nyo pagbaba nyo kc pwede kayong masalsihan kung may mga kasama. Wag nyo rin isakay sa kotse yung nabanga, iskay na lang sa tricycle o taxi at sundan nyo na lang hanggang hospital kc baka pag sinakay nyo holdapin o carnapin pa yung kotse nyo! Pangatlo pag na experience nyo ito at nasa hospital na kayo magtanong tanong kayo kung pamilyar ba sila dun sa taong natagis nyo para makasigurado na di con artist yon. Pang apat dapt pag may natagis kayo sa public hospital nyo lang dalhin kc sobrang mahal sa private lalo na kung gabi at emergency! times 3 ang singil nila kc ang dahilan nila e tatawagan pa nila yung doctor at mag x-ray! Sana mabasa nyo ito para aware kayo sa mga ganitong modus operandi!