Sa Caluit Island part siya ng Busuanga. Dating siyang under sa PCSD ang management ngayon nasa Provincial Government na ang pangangasiwa. May mga nakatira pa rin sa islang ung mga tinatawag na member ng Balik Caluit Movement kaya isa sila sa problema kasi kapag kinakain ng mga hayop ang mga pananim nila sinasaktan nila ito o ginagawan ng trap. May iba pa silang hayop na pang gabi lang makikita kaya nakatago pag araw. Pag pumunta ka dito kelangan before 7am nasa island ka na habang nakaipon pa ang mga hayop at naghihintay ng pagkain kasi after non gala na sila sa isla mahirap na makunan ng photo. Ang pinaka gusto dito ng mga turista ay ang pagpapakain sa giraffe at mahawakan ito kasi nga naman di ito ginagawa sa mga zoo sa ibang bansa
May plano ang provincial government na maglagay pa ng ibang hayop dito para madagdagan pa ang attraction. Most of the animals dito ay locally breed na, namatay na yung mga original na galing sa Africa. Plano siyang gawing major tourist attraction sa Busuanga sana nga magkatutuo para maimprove naman ang mga facilities ng mga hayop sa island.