Mga bossing hingi sana ako ng tulong ulit sa inyong mga pc experts...
yung pc na dati lagi ko inihihingi ng tulong sa inyo ay matagal ng patay at wala na akong gana pang paganahin iyon matapos nag pagpapabalik balik balik balik balik at balik sa pagawaan..
ngayon mukang me pondo ang kapatid ko kaya magtatanong ako muli...
ang sabi kasi ng kapatid ko ay "ipaupgrade" yung cpu, anu po ba iyon parang dadalhin sa isang shop at sila ng bahala?
isa pa... kung sakali naman na kami na lang ang magbola bola ng CPU na ito, maari po ba akong makahingi ng inyong opinyon para sa mga parts..?
ang magiging trabaho po ng PC ay mga 60% gaming 20% browsing 20% multimedia kasi ako lang naman ang gagamit at mga pamangkin ko na mga bata pa....
sa gaming nman po ay hindi naman ako naglalaro ng mga tipong leaf4dead 2 at blackops, kalimitan ay mga online games lang ang nilalaro ko at sa ngayon ay Allods online ang nilalaro ko..
hindi din po de aircon ang kwartong pinaglalagyan ng PC.(kaya bihira ako magcomputer pag summer dahil maawain ako sa PC)....
at sa huli...
ang budget... sa totoo lang walang malinaw na budget na sinabi, pero bilang ako na gagamit ay siguro mga below 9k ang budget... bakit hindi pa 10k? kasi pag sinabi kong 10k siguradong isasagad nyo yung 10k para sa performance...
eto na po ano pong mabuting parts na hanapin?
mobo?
processor?
vid card?
ram?
etc?
yun po sanang madaling hanapin since nasa bundok pa kami at malayo sa maynila na makakahanap ka ng malawak na variety ng parts...
taga batangas nga pala ako kaya kung sinu me alam jan ng lugar na ::wagbastoswede pag canvassan reply lang din kayo.
paki lagay na din po sana ng pagkaka alam nyo na presyo ok lang po kung hindi updated ako n lang po bahala maghanap...
saka gusto yata ng kapatid ko ay AMD daw yung pocessor eh anu po bang maganda dun...
maraming salamat mga bossing.