iba talaga nagagawa ng media sa ating mga pilipino, sa telebisyon na yata talaga nakasalalay ang buhay ng bawat mamamayan, mula umaga hanggang sa gabi, apektado ang buhay nila ng mga tele seryeng kinababaliwan, samantalang ang mga palabas na may kalidad at dapat na napapanood ng mga mamamayan at kabataan ay pinapalabas naman kapag tulog na ang mga karamihan...
sa telebisyon na rin ata iniaasa ng mga pilipino ang kasagutan sa mga problema nila, mula sa pagsali sa mga walang ka kwenta kwentang game show, na bago ka maglaro ay kailangang ilahad mo muna ang talambuhay mo sa madla, mas mukha kang kawawa mas maganda, mas nakakaiyak mas mataas ang rating ng programa, ewan ko pero parang kapwa ko mahal ko ang dating ng game show....
iba ang tingin natin sa artista, palibhasa bida lagi sa mga pelikula, kaya pakiramdam natin ay panalo rin pagdating sa pulitika, kaya pagsali nila sa pulitika wagi rin sila...
kaya ako iboboto ko si Bong Revilla, ano naman kung wala syang na achive bilang senador? ano naman kung wala syang naipasang bill? ano naman kung umupo lang siya sa senado at mukhang tangang nakikinig sa palitan ng diskusyon ng mga kapwa niya senador, eh pwede naman siyang magpanggap na matalino eh, kung hindi pa nga siya umepal sa katrina hayden kho scandal, hindi ko pa malalaman na senador pa pala siya
kaya iboboto ko pa rin siya dahil isa syang magaling umarteng artista....