Etong mga dietary supplements, puro "No approved therapeutic claims", ibig sabihin wala silang tulong nagagawa para sa iyo, at least wala pa nagpapatunay na formal research. Iba sa atin magsasabi may nagagawa talaga ang mga ito. Pwedeng totoo yun, na talagang meron siyang nababago sa katawan mo. Pwede rin na "placebo effect" lang ito, o yung pakiramdam mo na gumagaling ka dahil may iniinom ka na gamot, kahit wala naman talaga itong nagagawa. Yan lang, para open ka sa lahat ng angle tungkol sa mga supplement. Nasa iyo na kung saan mo gusto maniwala.