maliwanag na iniikutan lang niya ang batas..
three things:
una,malabo sa kasalukuyang termino nya ang matuloy ang charter change kaya tatakbo sya bilang kongresista..kung sakali nga naman manalo sya, puede nilang pagulungin muli ang makinarya ng cha-cha..magiging con-ass ang congress, babaguhin ang sistema ng gobyerno at madali na sa mga kaalyado nya na maniobrahin para makuha ni gloria ang pagiging prime minister..yun ay kung after ng 2010 election ay majority pa rin ng kongreso ang hawak ni gloria.
pangalawa, kung ma-elect sya bilang public official, tuloy pa rin ang kanyang immunity, hindi sya basta-basta masasampahan ng sangkatutak na kasong naghihintay sa kanya..
pangatlo, magkaka-double standard ang batas..kung si erap ay pagbabawalan nilang tumakbo sa ilalim ng batas na nagbabawal sa presidente na tumakbo muli for ANY elective position..bakit si gloria, pupuede?
wais si gloria..wais ang kanyang mga alipores at adviser..kaya sana maging wais naman ang mga kabalen..