Bigyan na lang kita ng tip kung bakit ako nagkaroon ng credit card at no hassle pa pag gustong mong magdagdag. Maliit lang naman salary ko, open ka ng account sa banko ako sa BPI, maitaining balance mo dapat di baba sa 10k kasi un naman talaga ang maintaining balance nila para mag earn ka ng interest other wise may multa ka. Then pag may extra money ka dagdagan mo lang. Kung talagang interesado ka wait for few mos. pero di naman aabot ng one year yan then just keep on adding lang sa acct. mo kahit magkano tapos apply ka credit card with auto debit ibig sabihin charged sa acct. mo ang bayad kapag di mo nabayaran agad. Pag may card ka na keep on using it but make it sure mababayaran mo on time. Then later on pag maganda na record mo sa kanila ask for credit limit increase kung marami ka ng transaction just make it sure na wag kang magbabayad ng minimum lang kelangan laging full payment every month.
After niyan pwede ka ng mag apply ng card sa ibang bank at ikaw mismo ang mananawang tumangi sa ibang credit card company pag pinag aaply kanila. Ang sikreto sa credit card lang naman ay simple pay on time, full payment no minimum payment kasi yan din ang basis nila pag binigyan kanila ng cash loan jan naka base ang interest rate na ibibigay nila sa iyo.
Nakabayad ako ng mga utang ko thru cash loan sa mga credit card ko, pero wag kang tatawag sa kanila for cash loan kasi mataas rate niyan , hintayin mo sila tatawag then wag mo agad kakagatin ang rate na binibigay nila sabihin mo lang na kapag bumaba ang rate nila saka ka nila uli tawagan.
Ung motorcycle ko, appliances, laptops, cameras pati ang home lot ko financed ng credit card, the best 2 to 3 cards lang ang maintain mo kelangan mag kakaiba ang due date nila otherwise patay ka pag bayaran na. Isa gamitin mo sa grocery, isa sa cash loan then isa sa mga installments. Monitor mo rin dapat ang spending habits mo pag wala sa budget wag ipilit then iwasang bumili ng paunti unti para di ka naglalabas ng cash masyado weekly ka lang mag grocery para isahan lang madali monitor ng bills. Sa hulugan patapusin muna ang isa bago kumuha uli at yung kailangan lang talaga ang kukunin wag maging maluho sa gamit marami pa namang promo na 0%, ganon din sa cash loan. Tandaan ang cash loan dapat sila mag aalok sayo dahil makaka bargain ka ng interest rate pag good ka sa kanila. Pag malaki cash loan wag gamitin sa bisyo o pang handa dead money yun pag nagkataon dapat sa investment o sa business.
Halos lahat ng purchases ko sa credit card. Pag me card ka kelangan mo siya gamitin para maka ipon ng points, pwede mo ito gamitin pang bayad sa kanila ng annual fee. Lugi ka rin pag di mo ginamit ang card dahil sa annual fee. Pag may pera o sweldo magtabi agad sa banko para may huhugutin ka pag bayaran na. Magandang may card lalo nat uso na ang electronic transaction. Iwas ka sa debit card kasi pag nagkamali wala ng bawian good as withdrawal kasi un ng cash, sa credit card pwede pa ma cancel. Be a wise spender at kung ano lang ang kaya. And card binibigyan lang tayo ng kaluwagan sa pagbabayad sa mga bayarin natin kaya wag nating abusuhin, kasi sa penalty doon na sila babawi sayo dahil mas malaki kita nila the worst pa pag di ka nakabayad nakakalat na sa lahat ng banko ang pangalan at record mo mahirap na uli makakkuha ng trust nila lalo nat pag di ka naman may kaya..
Good luck..