Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?  (Read 5770 times)

kenji321

  • Anime Fans
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 262
  • Karma 17
Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« on: September 08, 2012, 05:56:18 am »
Help mga ka espiya. Hirap mag open ng credit card sa mga banks kase hindi ko ma reach ung income requirements. Anyone of you knows a bank na mejo mababa ang income requirements nila to open a credit card? thank you thank you.

kikomaching1

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 455
  • Karma 14
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #1 on: September 08, 2012, 11:45:28 am »
standard para makakuha ng creditcard, dapat at least 300k ang gross income mo annually. walang bababa dun..

catapult1

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 64
  • Karma 0
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #2 on: September 08, 2012, 01:56:26 pm »
mababa na nga sweldo, utang pa hinahanap.

voyager_

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2717
  • Karma 34
  • Gender: Male
  • ROG Strix GL753-VE
    • "The Iglesia Ni Cristo"
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #3 on: September 08, 2012, 05:41:59 pm »
mababa na nga sweldo, utang pa hinahanap.

ok lang yan...mga mayayaman nga nangungutang din e...

ang tanong lang dyan... magaling ba magbayad?  ;)
Rom 1:23  At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

greenguy

  • Mature (18+)
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 364
  • Karma 9
  • Gender: Male
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #4 on: September 08, 2012, 05:45:23 pm »
 ::goldfingerplease

kenji321

  • Anime Fans
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 262
  • Karma 17
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #5 on: September 08, 2012, 07:24:00 pm »
300k? so parang 20k ang sweldo nun per month? i believe masyadong mataas un. i know na pag 15k ang sweldo mo eh pwede na but i just need lower than that. ty ty.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #6 on: September 08, 2012, 07:30:19 pm »
300k? so parang 20k ang sweldo nun per month? i believe masyadong mataas un. i know na pag 15k ang sweldo mo eh pwede na but i just need lower than that. ty ty.

if I were you tol, hindi na ako maghahangad pa ng credit card... i learned my lesson na lol.

took me 4 years to pay off all my debts.

never again. cash and/or debit card na lang.

kailangan mo ba ng credit card para bumili ng mga bagay bagay sa internet?

kenji321

  • Anime Fans
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 262
  • Karma 17
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #7 on: September 08, 2012, 07:37:38 pm »
Oo bro, mga online transactions at ung 12 months to pay 0 interest na din sa mga malls.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #8 on: September 08, 2012, 08:08:19 pm »
Oo bro, mga online transactions at ung 12 months to pay 0 interest na din sa mga malls.

hindi ba usually kapag sa mga ganyang 12 months to pay at 0 interest, mga malls na mismo ang mag sa sign up sayo ng credit card?
kung maganda naman ang credit history mo at employed ka for numerous years na sa work mo ma aapprove ka.

Minsan mas gusto nila yung mga ganyang low earners kasi di ba sila ang target ng mga 12 months to pay na credit. dahil kung may pera ang isang tao naman, bibilihin ng cash ang mga bagay na binebenta nila.

be very careful nga lang tol dahil once na di mo mabayaran within 12 months ang purchase, yung 0 interest magiging whatever interest na gusto nila. read the fine print. usually 29.99 percent or more ang dagdag sa purchase mo after 12 months.

goodluck. sensya na at alang natulong lol.

nivek_nayr

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 799
  • Karma 19
  • jason bourne
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #9 on: September 08, 2012, 08:21:48 pm »
ganito mag savings ka muna sa banko (bdo,metro,bpi) mga 100k and up then saka ka mag apply for creditcard mabilis na yun..

chelsea9

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 138
  • Karma 3
  • Gender: Female
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #10 on: September 08, 2012, 09:39:33 pm »
mababa na nga sweldo, utang pa hinahanap.
  >:( Tsk tsk rude much  naman,..Sorry ts wala din ako naitulong hehe Goodluck na lang po.

junex29

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 433
  • Karma 6
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #11 on: September 08, 2012, 11:23:13 pm »
Bigyan na lang kita ng tip kung bakit ako nagkaroon ng credit card at no hassle pa pag gustong mong magdagdag. Maliit lang naman salary ko, open ka ng account sa banko ako sa BPI, maitaining balance mo dapat di baba sa 10k kasi un naman talaga ang maintaining balance nila para mag earn ka ng interest other wise may multa ka. Then pag may extra money ka dagdagan mo lang. Kung talagang interesado ka wait for few mos. pero di naman aabot ng one year yan then just keep on adding lang sa acct. mo kahit magkano tapos apply ka credit card with auto debit ibig sabihin charged sa acct. mo ang bayad kapag di mo nabayaran agad. Pag may card ka na keep on using it but make it sure mababayaran mo on time. Then later on pag maganda na record mo sa kanila ask for credit limit increase kung marami ka ng transaction just make it sure na wag kang magbabayad ng minimum lang kelangan laging full payment every month.

After niyan pwede ka ng mag apply ng card sa ibang bank at ikaw mismo ang mananawang tumangi sa ibang credit card company pag pinag aaply kanila. Ang sikreto sa credit card lang naman ay simple pay on time, full payment no minimum payment kasi yan din ang basis nila pag binigyan kanila ng cash loan jan naka base ang interest rate na ibibigay nila sa iyo.

Nakabayad ako ng mga utang ko thru cash loan sa mga credit card ko, pero wag kang tatawag sa kanila for cash loan kasi mataas rate niyan , hintayin mo sila tatawag then wag mo agad kakagatin ang rate na binibigay nila sabihin mo lang na kapag bumaba ang rate nila saka ka nila uli tawagan.

Ung motorcycle ko, appliances, laptops, cameras pati ang home lot ko financed ng credit card, the best 2 to 3 cards lang ang maintain mo kelangan mag kakaiba ang due date nila otherwise patay ka pag bayaran na. Isa gamitin mo sa grocery, isa sa cash loan then isa sa mga installments. Monitor mo rin dapat ang spending habits mo pag wala sa budget wag ipilit then iwasang bumili ng paunti unti para di ka naglalabas ng cash masyado weekly ka lang mag grocery para isahan lang madali monitor ng bills. Sa hulugan patapusin muna ang isa bago kumuha uli at yung kailangan lang talaga ang kukunin wag maging maluho sa gamit marami pa namang promo na 0%, ganon din sa cash loan. Tandaan ang cash loan dapat sila mag aalok sayo dahil makaka bargain ka ng interest rate pag good ka sa kanila. Pag malaki cash loan wag gamitin sa bisyo o pang handa dead money yun pag nagkataon dapat sa investment o sa business.

Halos lahat ng purchases ko sa credit card. Pag me card ka kelangan mo siya gamitin para maka ipon ng points, pwede mo ito gamitin pang bayad sa kanila ng annual fee. Lugi ka rin pag di mo ginamit ang card  dahil sa annual fee. Pag may pera o sweldo magtabi agad sa banko para may huhugutin ka pag bayaran na. Magandang may card lalo nat uso na ang electronic transaction. Iwas ka sa debit card kasi pag nagkamali wala ng bawian good as withdrawal kasi un ng cash, sa credit card pwede pa ma cancel. Be a wise spender at kung ano lang ang kaya. And card binibigyan lang tayo ng kaluwagan sa pagbabayad sa mga bayarin natin kaya wag nating abusuhin, kasi sa penalty doon na sila babawi sayo dahil mas malaki kita nila the worst pa pag di ka nakabayad nakakalat na sa lahat ng banko ang pangalan at record mo mahirap na uli makakkuha ng trust nila lalo nat pag di ka naman may kaya..

Good luck..

kenji321

  • Anime Fans
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 262
  • Karma 17
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #12 on: September 09, 2012, 12:24:19 am »
@ chelsea, haha. hayaan mo na

wow. thanks june x sa effort. Kaya lang hindi ko nid ng mejo malaking limit at sa tingin ko hindi  ko din magagamit un sa pang grocery. Thank you thank you sa mga info. sa metrobank at rcbc eh hindi na approve ung pag oopen ko eh. i'm just wondering kung may bank na mas mababa ang income requirements. O siguro kung merong banks na may promo about sa pag oopen ng credit card. ung parang mag dedeposit ka siguro ng ganitong halaga. ty ty ulit

TigerClaw

  • "The Watcher"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3742
  • Karma 103
  • Gender: Male
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #13 on: September 09, 2012, 04:52:34 am »
If internet purchase lang ang habol mo...try mo na lang kumuha ng EON Card sa UnionBank...pwedi mong i-verify ang Paypal account mo using this card...
Ang Tunay Na Matalino Ay Yung Hindi Lumalaki Ang Ulo At Ang Tunay Na Edukado Hindi Nanlalait Ng Ibang Tao.
Madaling Sabihin Pero Mahirap Gawin!

AndrewSturm

  • Man Whore of the Year
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 815
  • Karma 16
  • Man Whore
Re: Bank that offers credit card for low earners. anyone knows?
« Reply #14 on: September 09, 2012, 06:03:35 am »
Ako nga nagugulat na lang may pinapadalang credit card sa bahay e. Wala naman akong inaapplyan. Mga strategies talaga ng mga banko o..

Pero kung online purchases pwede nga yung sa Unionbank.