ano ba maipapayo mo sakin tol? saan kayang industry ako..
Tignan mo kung saan ka mas comfortable, sa electronics or sa communication. sa electronics, pag bagsak economy, unang naaapektuhan ang electronics, kasi luho yan e. pero pag malakas economy, tayo unang nakikinabang, dami trabaho e. sa communication, malaki sweldo lalo na pag sa mga telecommunication company ka pumasok, kaya lang hirap makapasok. marami din opportunities na makapag-abroad. kaya lang nakakasawa ang trabaho yun at yun.
sa electronics, di mo naman gaano kailangan ang license mo pero mas prefer ng mga companya ang mga may license. sa communication, sigurado kailangan mo yun lalo na sa mga design. best way na makapasok sa mga telecom companies, pumasok ka sa subcontractor nila, pag nanun ka sa contractor, marami ka makikilala sa mga telecom companies, yun ang gamitin mo na way para makapag apply ka sa main company. karamihan ng mga classmates ko ganun ginawa.
advice ko wag ka makipagcompete na mag apply sa trabaho ng mga IT graduates, talo ka lagi baka madepress ka lang. pinag aralan nila yun e. ikaw gusto mo lang maexperience sila alam na nila. pag may stable job ka na, pagaralan mo yung gusto mo then makipagcompete ka sa kanila.
now stick to your course, sayang naman. just remember kung wala tayong mga electronics people (ECE) wala run yang mga computer computer na yan. electronics pa rin ang mga basic foundation nila
for me ECE pa rin ang magaling. hehehe