Hindi mayaman ang OFW
We have this notion na pag OFW o nasa abroad ay mayaman na! Hindi totoo yan!
A regular OFW might earn from P50K – P300K per month, depende sa lokasyon.
Yung mga taga Saudi or US siguro mas malaki ang sweldo, but to say that they’re rich is a fallacy.
Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-aboad.
Maraming bibig ang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Pinas.
Madalas, ¾ o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirap maging OFW
Kailangan magtipid hangga’t kaya. Oo, masarap ang mga pagkain sa abroad pero madalas paksiw at adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng dollar o rial o euro! Mas okay na magtiis konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming Kamag-anak ang sumusundo sa airport o nahihintay sa probinsya. Alam mo naman pag pinoy, yung tsismis! Pag OFW ka eh surely attracts a lot of kin.
Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I’m sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun.
Magtatrabaho ka sa bansang iba, iba rin ang tingin sa mga pinoy.
Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, Tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya pag umuwi.
Tumatanda rin ang OFW
Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20 – 30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIEâ€ÂÂÂ!.
Bayani ang OFW
Toto yan! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion, Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na’t kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Pinas dahil sa takot na mawalan ng sweldo.
Matatag ang OFW
Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailang magbabago ang Pinas.
Kailan nga kaya? O may tsansa pa ba?
Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Pinas, iba pa rin kapag pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng “Mahal kita!†“Day, ginahigugma tika!†“Mingaw na ko nimo ba, kalagot!†Inday, diin ka na subong haw? Gahaman guid ko simo ba.†Iba pa rin talaga.
Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa. . . . .