Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: pa tulong mag build  (Read 1194 times)

liquid metal

  • Liquid Metal
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 541
  • Karma 25
  • Gender: Male
  • ya need some of the good old ultra-violence eh?
pa tulong mag build
« on: December 18, 2007, 07:02:24 pm »
ma ka espiya...

meron po ako 30k ngaun...

pwde patulong sa magandang build ng system unit ko??

system unit lng po...

ung specs nya po pang HARDCORE GAMING and VIDEO EDITING...

pki include na po ang price...

salamat po
psrulez::
"this world is the last bastion of HEAVEN before the gates of the BURNING HELL"

samsung

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 68
  • Karma 3
Re: pa tulong mag build
« Reply #1 on: December 19, 2007, 12:23:13 am »
ma ka espiya...

meron po ako 30k ngaun...

pwde patulong sa magandang build ng system unit ko??

system unit lng po...

ung specs nya po pang HARDCORE GAMING and VIDEO EDITING...

pki include na po ang price...

salamat po
psrulez::

Sa 30K indi pwede ang hardcore gaming bro.... grafix card pa lang nasa 20K+ na....

oponco

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 396
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: pa tulong mag build
« Reply #2 on: December 20, 2007, 12:06:17 am »
kulang ang 30k for hardcore gaming bro.........

tama siya 20 thou ang high end na vc e.g 8800 ultra, ati hd 3870 etc.......

around 10-14thou ang intel quadcore na 6600.......

motherboard na maganda around 6-8thou kung ddr3.....

ddr3 ram na 2gb module ng corsair around 5-7 thou......

so kulang bro, mga midrange computer lang pwde magawa mo niyan, hindi pang hardcore gaming......

tigerwing

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 950
  • Karma 54
Re: pa tulong mag build
« Reply #3 on: December 20, 2007, 12:13:34 am »
30k is not enough for a true hardcore gaming rig.. if thats what you want you need more or less 100k for the CPU alone..

niwei this is what you can have for around 30k

Intel C2D E4500                     --- 5,200
Abit P35-e                            --- around 5k
2GB 800mhz Team Elite DDR2   --- around 3k
Palit Geforce 8800GT              --- around 11k
Seagate 250GB HD                 --- 3,300
lite-on DVD-RW w/lightscribe   --- 1,550
Hec WinPower 550AB PSU       --- 3,450


total: around 32,500

kaw na bahala si iba:

casing
monitor
Speakers          
KB and Mouse

------------------------------------------------------
better set your budget to 35k-40k for the CPU alone.. you can change the CPU to an Intel Q6600 since gagamitin mo din pala for Video Editing, but that would cost around 12-15k..
« Last Edit: December 20, 2007, 12:31:16 am by tigerwing »

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: pa tulong mag build
« Reply #4 on: December 23, 2007, 11:08:19 am »
alam ko maraming salungat.

pero pasok na ang 30k sakin.
(from dec 24 of 2007 [12am] pricelist).
5500php : PROCESSOR: 4800gighz - am2 x2
3400php : HARDDISK: 250gig (7200rpm [Baracuda])  hard disk
2500 : VIDEO CARD: (NVIDIA PCIE) ranging from 256 - 512 na yan. makakapili ka.
4000 : ASUS (ikaw na rin mamili).
1000 : 1gig RAM "Kingston" (yan ang maadvice ko).
1500 : DVDRW : LiteOn (brand) (o yung all in one or madalas tawaging combo drive).
1800 : Case (ikaw na mamili ng itsura. ang importante is 500watts) palagi mong iVeverify. plus make sure na may KMS [Keybord Mouse Speaker] syang libre. kasi lahat ng binebenta kasama palagi yan.
1850 : 17" (bili ka na lang ng second hand na monitor).

21,550. OKIE BA. (estimate ko yan. di lalagpas ng plus 2thousand and hindi baba less than 2000 din).

guidelines:

sa monitor. para sa'kin pareparehas lang yan. Ang bago kasi is naglalaro sa 3500PHP so kung kukunin mo yung second hand. it is a good deal na halos half the price. aanin mo pa waranty. plus kung gusto mo matutunan malaman kung pano malaman kung tatagal pa ang isang monitor. ganito yan. e-Off mo ang monitor then wait for like 10seconds. then on mo ulit. dapat within 3 seconds lumabas ang lahat ng picture ng screen. pag lumabas. matagal pa buhay ng picture tube nyan. second bago mo bilhin. taasan mo ang brightness and contrast ng todo. pag namuti yung screen eh okay yun. kasi ibigsabihin eh maadjust mo sya pababa at hindi kulang ang brightness nya pataas.

about sa processor. maraming nagsasabi na pangit ang AMD. Tutoo rin yun pero sa'kin okay ang AMD. kasi ang big difference kasi nila, ang AMD eh maaga nila nilalabas ang bagong CPU (Central Processing Unit). kaya maachive mo yung higher speed at a lower cost at mas maaga. like 64bit processors eh commercially naunang lumabas to sa AMD. The downside is mainitin. pero hindi naman talaga ginawa ang processor para mag luto ng barbeque kaya para sakin eh kahit gamitin mo yan eh yun talaga ang use nyan. Wag mo na lang pag experementohan ang overClocking....

Video Card. dalawa lang naman ang pagpipiliian mo mostlikely. ATI RADEON and NVIDIA. kasi well known sila. Para sakin eh mas okay sana ang ATI kasi okay ang driver nya sa linux at pro opensource sya. ang NVIDIA is hindi. pero sa built to last at low maintenance eh NVIDIA na. ako mismo eh naka NVIDIA dahil ayaw kong gumagastos. Marami pa silang difference pero kung tinatamad kang magbasa at magresearch eh parehas na video card yan capable of good quality. some says ati is better some says nvidia is better (too). just make sure na pasok na sa 256 or 512 para solb solb ka parin.

RAM: kingston na talaga ang tiwala ako. kasi nga maintenance ang priority ko. hindi sya sluggy. may name na rin sya sa industry at mataas ang competitiveness nya kasi nag lifetime warranty sya. add ko lang. mas okay kung hindi mo titipirin ang ram at gawin mong 2GIG Talaga. Note: sa ram may tinatawag na pc (halimbawa lang to pc133). so mas mataas mas mabilis. pero make sure na yun ang max na kaya ng motherboard mo at yun ang kunin mo. (compatible at mataas ang "pc"  [pc, tungkol sa clock rate something ng ram yan]).

DVDRW: Wag mo na lang pamahalin. pareparehas lang yang nasisira. basta ang experience ko eh ang CDROM eh namamatay kaagad after 2years kahit anong brand at bihira ang lumalagpas sa lifespan na yan. and CD-R talagang tumatagal sya, tatlo kaming friends kong naka LiteON at yung isa samin eh 7 years na yung edad nun. PagDVDRW. expected kong tatagal sya pag LiteON at anyway pag wala pang 1year eh masasauli mo yan sa kanila. DVDRW para pwede ring magburn ng DVD (obvious)

HARDDISK : okay na ang IDE. Pero kung ikaw eh mag sasata eh okay lang din. pero I prefer IDE pa sa ngayon. but the future is SATA. ang problema lang is pag cocopya ka sa ibang PC eh madalas naka IDE sila. so compatibility muna ko. di pa naman patay ang IDE. pero aantayin ko munang tumaas ang rating ng naka SATA up to the point na ererequire na sila ng software. (Compatibility is the purpose). (MAXTOR OR SEAGATE eh okay lang).

about sa monitor. punta ka ng gillmore. magkakadikit halos ang tatlong shop na nagpapaligsahan sa presyo which is "PC OPTIONS", "PC EXPRESS" and "PC CORNER". (yan ang arrangement nyan).
tapos tawid ka at pasukin mo yung building na yun. sa third floor eh makikita mo ang bulto-bultuhang bentahan ng monitor. at dun makakapag testing ka. sure mura dun. basta take note of the guideline(s) i shed bossing.

lastly, to my experience eh wala nang tatalo sa presyo nang PC OPTIONS. gusto mo eh wag mo nang itanong sa salesman nila. kuha ka ng 10parts at ilista mo sa papel from PC EXPRESS, PC OPTIONS and some other shop. then saka ka pumasok ng PC OPTIONS. makikita mong mura.

(mahaba talaga at marami pa sana akong maadd na guidelines. pero mahaba na to hehehe).
« Last Edit: December 23, 2007, 11:23:21 am by pikapika2501 »