Una po sa lahat, gusto ko pong magpasalamat sa binigay nyong atensyon sa problema namin,
Maasahan talaga kayo...
para sa inyong lahat. Gagawin ko po lahat ng sinabi nyo mga sir. Medyo matagal na nga pong usapin itong lupa na ito, na kahit yung mga lolo at lola namin eh hindi na naayos.
about po sa Pirma ng Lola ko, sigurado daw po yung auntie ko na hindi marunong sumulat ang lola ko. dun nman sa mga papeles, eh siguradong Tunay po iyong hawak namin. Gaya po ng nasabi ko sa post ko nung una, sabi ng auntie ko, pinapirma daw yung lola ko sa isang malinis na papel, dahil nga po nangutang sila ng pera doon sa halagang 700 piso. Tapos eto na, meron daw silang katibayan na binenta daw yun ng lola ko. pero yun po eh "sobrang tagal ng nangyari"
@popoydulas
sa pagkaka alam ko po Mahigit na pong 30 years ang mga pangyayaring pirmahan na sinasabi nila.
@mahandas
Yun nga po sir, kung meron silang katibayan bakit kailangan pa nilang sumang guni sa amin tama po ba? kung gugustuhin nila, ppwede nilang biglain ang mga pangyayari. Pero kailangan pa daw nila yung Mother title namin. dahil 30 years old na ang kapatid ko, at nung mga time na yun eh hindi pa kami pinapanganak at binata pa ang father ko.
tapos po sa sinasabi mong magfile ng letter, ang alam ko po, nag file na kami ng letter sa isang government agency, i forgot the name of that agency...
eto yung nakasulat sa letter sa pag kaka alam ko. tagalog ko nlng po ha.(hindi sakto, pag sasaad lang po ito, wala po kasi akong kopya dito sa office)
Parang pina hohold po ata yung anumang transaction na mangyayari dun sa lupa namin unless meron kaming permiso, tinatakan naman po iyon nung agency na yun. tapos isang beses eto nanaman sila, sabi nila na-file na daw nila yung papers nila dun sa trece, hindi po ba't malinaw na panloloko itong ginagawa nila? tapos ang dami daming ume epal na mga asungot at mga nagmamagaling na dapat daw ibigay na sa tunay na may ari ang lupa, mga pesteng unggoy talaga oo, wala naman alam sa mga puno't dulo basta nalang may mai-comment. kesyo, nag wwork daw sya sa isang government agency ek ek. tapos nung malaman laman namin na, isa pala syang sekretarya sa isang surveying team. (yung nagssurvey ng lupa).
tapos yung mga kamag-anak nila na katabi namin, na medyo closed namin eh sa tingin namin eh ginagamit din nila, paano po? kasi Sabi nila gusto daw nilang i-patransfer sa pangalan ng anak nila yung lupain nila (kabilang side namin) e kailangan daw po makita or merong xerox copy ng titulo namin pati yung blue print namin. Hay naku naman, hindi namn kami ganun ka engot, syempre nag iisip din kami. kaya Hindi namin iyon pinahiram or pinapakita dun sa mga hindi naman dapat makakita, dun lang sa mga kasali sa usapan namin pinapakita, tama naman kami d ba.
@jazz24
Na verify na po namin sa Trece, at 100% nakapangalan po sa lola ko. yung 100 sq mtr po e For title Transfer na, tapos yung 180 sq eh papa ubaya na namin sana sa kamag anak namin(kapatid ng Father ko). kaya po yun ang gusto nilang habulin yung 80 sq sa likuran namin.
@carell91
Now if the title is "Transfer certificate title", You better watch-out because there is a certain allowable time in law where they could claim the said property their own.
Kaya nga maraming nagiissquat or informal-settler.
gaano po katagal ang allowable time? ito rin po ba yung sinasabi ni sir popoydulas.
Sir popoydulas, nag print po ako ng post mo nagkaroon po ako ng maraming idea. Maraming salamat po. I mean lahat po ng POst nyo, ipapabasa ko po ito sa isa kong kakilala at hihingi rin ng mga kumento at suhestyon.
mga Bossing, isa nalang, batay sa mga salay say ko, ano po ba ang maari kong ipang "Counter attack" sa kanila oras na maresolba itong usaping ito, yun bang sasampahan ko din sila ng kaso like Harrsment at papatawan ko ng danyos perwisyos dahil sa mga problemang dinulot nila sa amin.
tama po ba na pagkatapos ng usapin o habang sariwa pa ang lahat ng pangyayari?
@to all BRO,
Maraming salamat talaga, at labis akong nagpapasalamat na nakita ko ang site na ito na maasasahan hindi lamang sa katuwaan kung hindi pati rin sa oras ng kagipitan.
Wala po akong maihahandog o maisusukli sa inyo mga kaibigan, pero asahan nyo, hndi po mababalewala ang panahon at mga ideang binigay nyo sa akin, sisikapin ko pong maipag laban yun karapatan namin sa lupa na yun.