May isang lalaki na naglalakad sa bangketa nang may biglang sumigaw sa likod nya "Huminto ka sa paglakad kung hindi mababagsakan ka sa ulo!" Huminto ito at lumingon sa likod, eksaktong pagbagsak ng isang malaking paso ng halaman sa harap nya. Wala shang nakitang tao sa likod kaya medyo kinabahan sha.
Nagpatuloy sha sa paglakad at nang sha ay patawid na sa kalye, bigla uli nyang narinig ang sigaw sa likod nya "Huminto ka sa pag lalakad kung hindi masasagasaan ka at mamamatay!" Muling huminto at lumingon ang lalaki, walang anu-ano'y biglang may isang kotse na rumaragasa ang muntik nga humagip sa kanya. Gulat na gulat ang lalaki at sumigaw sha "Sino ka ba?!" Sumagot ang boses "ako ang iyong guardian angel".
Biglang nagalit ang lalaki "Hoy! Nasaan ka nung ikakasal ako?!"