Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE

Author Topic: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"  (Read 5179 times)

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« on: September 21, 2007, 05:19:54 am »
< ' > PATAY NA AKO!?!?
<. -- .> Ilang beses mo ba gustong marinig ang 'oo'? kung may bayad ang bawat tanong, mayaman na ko'.
< ' > Totoong patay na ko???
<.--.> Bawal magsinungaling dito.
< ' > Pero bakit...
< ' > Sinong....
< ' > Paanong....
< ' > Asan ako..
< ' > Sino ka!?
<.--.> Patay ka na.
< .--.> Nasa lugar ka ng mga patay.
<.--.> Receptionist ako sa lugar ng mga patay
<.--.> May tanong ka pa?
< ' >.................
< ' > Paano na ang mga anak ko..
< ' > H-hindi ko naman gustong----
<.--.> Maayos ang buhay nilang lahat, Nagpakasal ulit ang asawa mo. Nasa Amerika na ang bunso mo. At kapapanganak lang sa ikatlo mong apo sa tuhod, kanina habang nagsasalita ka.
< ' > HUH!?!?
< ' > Kakamatay ko pa lang ah?!?!?
<.--.> Magiisang oras ka ng patay.
< ' > Alam ko!?
<.--.> Dito... pero sa lupa, higit apat na dekada ka nang patay.
< ' > Pano nangyari yon?
<.--.> Ang isang araw dito, isang libong taon sa lupa. 2049 na. kung binabasa mo yung handout na ibinigay sa yo halip na tanong ka ng tanong. kanina pa dapat malinaw sa yo ang lahat..
< ' > Pero.... hindi... niloloko mo ba ko??
<.--.> Minsan gusto ko sumagot ng oo pag tinatanong ako ng ganyan.
< ' > Pero...Bakit... Paanong...?????
<.--.> Tingnan mo.
< ' > Ano yan?
< ' > ...
< ' > HUH?
< ' > !!!!
< ' > Saan yan!?
<.--.> Sa Pilipinas...
< ' > E bakit ganyan yan.. Sino yan?
<.--.> Si Marvin..
< ' > Marvin??
<.--.> Marvin, Marvin Agustin..
< ' > Yung artista? Matanda na? Anong ginagawa nya dyan?
<.--.> Presidenta siya ng bansa mo.
< ' > HUH!!!???
<.--.> Ayos naman ah! Gusto nga sya ng mga tao eh...
< ' > E sino yan --- asawa nya?
<.--.> Saan?
< ' > Ayan sa kanan.
<.--.> Ah, vice president yan.
< ' > Sinong naging vice president??
<.--.> Si Tootsie Guevarra.. yung magaling kumanta.
< ' > Huh?!?!?
<.--.> Anong huh!? ayus nga sila eh inahon nila ang Pinas sa kahirapan..
< ' > Anong ibig mong sabihin.. nasan na si GMA?
<.--.> Matagal ng wala si Macapagal. 
<.--.> 2049 na.. Wala nang utang ang Pilipinas sa ibang bansa!
< ' > Talaga?
<.--.> Hay naku! Wala ka pala talagang alam eh.
< ' > Bakit, ano pa ba ang mga nangyari?
<.--.> Balik ulit ang Pilipinas sa mapa, mayaman at respetado na ulit ang bayan mo.
< ' > Talaga? Hehe..
<.--.> Oo, ang ingay mo kasi kanina eh, di ko nga masyadong naintindihan yung speech ng Papa sa Roma... papanoorin dapat kita...
< ' > O, may ano?
<.--.> Pilipino ang bagong Papa.
< ' > Huh?
<.--.> Nanonood ka ba ng MTV?
< ' >  Hindi.
<.--.> Ng That's Entertainment??
< ' > Hindi rin, Bakit?
<.--.> Eh hindi mo pala kilala..
< ' > sino
<.--.> Yung bagong Papa
< ' > Ano bang pangalan?
<.--.> Pope Rose I
< ' > Sinong Pope Rose I?
<.--.> Hindi yon yung totoong pangalan, pero artista siya dati.
<.--.> Donita Rose, yata ang screen name nya eh.
< ' > Si Donita Rose??? Yung VJ--- naging pope?!?
<.--.> Oo! galing noh?
<.--.> Nga pala alam mo ba na pwede mag asawa nagyon ang pari?
< ' > Huh!?
<.--.> Pwede basta sa madre ang mapapangasawa, para hindi raw lumabas ang pera ng simbahan. Ayos no!?
< ' > Ganyan na ba ngayon sa Lupa?
<.--.> Hmmmmmmm...
< ' > Pero kung tutuusin okay!
<.--.> Oo naman..
< ' > Sandali, wala na bang krimen?
<.--.> Nabawasan, kahit papaano. Nakikita mo yang babae sa tabi ng driver?
< ' > Alin?
<.--.> Yan, yung nasa jeep na neon.
< ' > O, ano? ayus yung jeep ah!
<.--.> Nakikita mo yung hawak nyang cellphone?
<.--.> XC90 yan!!
< ' >  Anong XC90??
<.--.> Yan ngayon ang cellphone ng masa, May laser gun yan, at protektado ng magnetic shield ang may-hawak.
< ' > Hahahaha.. tangna, astig!! *<i>tanging yaman</i>*
<.--.> Tsaka nakita mo yung nakabarong kanina na walang kamay?
< ' > Oo.
< ' > Itatanong ko nga dapat kung bakit ganun eh.
<.--.> Mga Kongresman yun, na nangupit sa kaban ng bayan.
< ' > Huh?!
<.--.> Oo, pinuputulan kasi ng kamay ang mga corrupt offcials para hindi umulit. Okay nga eh..
< ' > Kelan pa?
<.--.> Tagal na yon..panahon pa ni President Sin yun eh,
< ' > Si Sin? --- yung cardinal?
<.--.> Oo... bakit? Gusto ko nga yun eh, magaling din, pinagawa nya pang replica yung Bundok Banahaw sa Nayong Pilipino.
< ' > Bundok Banahaw?
<.--.> Oo.
<.--.> Ay! Oo nga pala, hindi mo alam.. wala na kasi yung Bundok Banahaw.. Banahaw Mall na ngayon. Hahahaha!!
< ' > Ginawang Mall?!!?!? Sira ba ulo nila?? Ba't natatawa ka pa?!
<.--.> Wala rin kasing nangyari eh..
< ' > Syempre sino namang gago ang matutuwa sa ginawa nila!? *<i>tanging yaman</i>*
< ' > Ano ba yan... Bakit laging tumutogtog yung Tanging Yaman? Kanina ko pa naririnig yan eh, paulit ulit!
< ' > At saka.. nagkakalimutan, marami akong tanong sa yo ah, bakit ayaw mong sagutin?
< ' > At sino ka ba????
< ' > Ba't ayaw mong magpakilala?
<.--.> ......
< ' > Sino ka!?
<.--.> Sandali..
< ' > Bakit ayaw mong sumagot?
<.--.> Ssshhhh!
<.--.> Wag kang maingay.
<.--.> Hindi mo ba naririnig?
< ' > ANG ALIN!???
<.--.> SSSShhhhhhhhh!!! Sinabing wag maingay eh. pakingan mo..
< ' > Eh wala naman akong nariri----
< ' > Sino yun?
<.--.> Hehehe...
< ' > Tao ba yun?
<.--.> Oo.. nagdarasal..
< ' > Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi eh!
< ' > Bat ka tumatawa..?
<.--.> Tingnan mo naman magdasal.. humihiling na panalunin ko sila sa basketball game.
< ' > O, ano namang masama dun?
<.--.> Yun din ang hinihiling ng kalaban nilang team eh!
<.--.> Nyahahahaha!!!
< ' > Hahahahaha!
< ' > Oo nga noh!
<.--.> Marami pa yan..
<.--.> Yan ang libangan ko dito eh, ipunin ang mga pinaka nakakatawang dasal ng mga tao.
< ' > Sandali, bakit puro Pilipino ang nagdarasal?
< ' > At bakit marunong kang magtagalog?
<.--.> Gusto mo kong mag-Latin?
<.--.> Hindi ako tagalog magsalita pero Tagalog ang lenggwaheng kayang intindihin ng utak mo kaya akala mo ngayon ay sa Tagalog tayo nag uusap.
<.--.>... Kahit na ang totoo ay mga isipan lang natin ang gumagan nagyon at wala sa ating talagang nagsasalita.
< ' > Ayos ah.. high-tech!
<.--.> Bilib ka na?
<.--.> Eto, pakinggan mo.. meron nanamang nagdarasal..
< ' > Yung humihiling na sana tumigil na ang mister nya sa pambabae?
<.--.> At?
< ' > Pagkapanalo ng kapatid nya sa barangay election..
<.--.> At?
< ' > Paggaling ng asthma nya?
<.--.> At?
< ' > World Peace?
<.--.> At?
< ' > Na matapos na ang pagpaparehistro ng kotse nya?
<.--.> At?
< ' > Anong At? Marami pa eh...
<.--.> At ano pa nga??
< ' > At matapos na ang hinuhulugan nilang bahay?
<.--.> At?
< ' > Marami pa syang sinasabi eh...
< ' > Anong nakkatawa dun?
<.--.> Wala nga,  kaya ako natatawa kasi hindi siya nakakatwa..
<.--.> Hindi naman siya nagdarasal eh, Para lang syang umoorder sa waiter sa restuarant.
<.--.> Minsan nga gusto ko humingi ng Tip eh!
<.--.> Ngiyahahahahaha!
< ' > HAHAHAHAHA!!!!!
<.--.> Kahapon merong din nagdasal. umiiyak pa sana raw pumasa sya sa exam.
<.--.> Paano ko naman ipapasa, e wala naman syang isinagot sa test papers niya!
< ' > Hahahahaha!!!
<.--.> Sandali sandali eto pa isa pakinggan mo...
< ' > Yung humihiling na sana makapag asawa sya ng matalino, gwapo mabait at mayaman?
<.--.> Oo.
<.--.> NGIYAHAHAHAHA!
< ' > O, ano naman masama doon?
<.--.> E lalake yan eh!
< ' > BWAHAHAHAHA!!!!!!
<.--.> NGIYAHAHAHAHA
< ' > Wahehehehehe
<.--.> Naririrnig mo ba?
<.--.> Nyahahahaha!!
< ' > Yung aleng humihiling na sana mamatay na yung kapit-bahay nya?
<.--.> OO!!
<.--.> NGIYAHAHAHA!!!
< ' > Wahehehehe.
< ' > Sino yung nag ho "Haumannnnnnnn.."??
<.--.> Ewan ko kaya nga ko tawa ng tawa eh, kasi naririnig ko nanaman yan..
< ' > Bakit ano ba yun?
<.--.> Siguro nagdarasal pero paano ko naman siya tutulungan eh hindi maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin sa "Haumnnnnnnn.."?
< ' > HAHAHAHAHA!!!
<.--.> NGIYAHAHAHAHA!!!
< ' > Sakit na ng tyan ko, mamatay ako sito sa kakatawa!
<.--.> HA!?? Patay ka na eh!
< ' > BWahahahaha!
<.--.> NGIYAHAHAHA
< ' > WAHEHEHE

..to be continue... buy the 2004 published book by Bob Ong. "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Last Edit: September 21, 2007, 02:10:27 pm by search4chinits »

laitzu

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3254
  • Karma 23
  • Gender: Male
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #1 on: September 21, 2007, 05:53:18 am »
share mo na sir yung buong libro... :) pokepoint::
Get $50 to start/Earn up to $20/day/Earn $5 per referral

MiKeDaCuTe

  • Laking Beer Brand!!!
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3447
  • Karma 159
  • Gender: Male
  • Kung Kaya ng Iba, Ipagawa mo sa Kanila...
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #2 on: September 21, 2007, 05:59:09 am »
hehehe! ang kulit nito...  laffman:: oo nga naman share mo na tol....  sayasaya::

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #3 on: September 21, 2007, 08:41:16 am »
nahiram ko ito last year.... ang ganda ng book, kinuwento pa ni bob ong yung pag sali niya sa the weakest link ni edu manzano......     laffman:: laffman:: laffman::

naghahanap nga ako sa bookstore nito wala na akong makita eh......    toast:: toast::

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #4 on: September 23, 2007, 01:59:57 am »
wow astig idol koh talga si bob ong laffman::

it ain't over. . .till its over

ftc

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1282
  • Karma 10
  • Tugs tugs tugs.
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #5 on: September 23, 2007, 02:17:38 am »
ano n b ung latest n libro ni bob ong? ang mga mbasa ko plang kc ay ung green<abnkkbsnplako>, itim<libro ni hudas> at ung yellow<bkt bliktad magbasa ang pilipino>,,

hotohori

  • Pioneer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 97
  • Karma 0
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #6 on: September 23, 2007, 03:16:53 am »
ano n b ung latest n libro ni bob ong? ang mga mbasa ko plang kc ay ung green<abnkkbsnplako>, itim<libro ni hudas> at ung yellow<bkt bliktad magbasa ang pilipino>,,

ang sumunod ay ung alamat ng gubat tapus ung huli ay stainless longganisa

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #7 on: September 23, 2007, 03:18:29 am »
guys teaser lang yan, bilin na lang natin ang libro ni bob ong magaganda libro nya well worth it.. check nyo sa nbs sa q.ave meron pa ata kahit mga old published books. hehehe

m0jojoj0

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 71
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #8 on: September 23, 2007, 03:32:04 am »
yung red --- McArthur ---- if im not  mistaken....
never take your eye off the ball

mindcorruptor

  • 2006 Vanguards
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 26
  • Karma 1
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #9 on: September 23, 2007, 05:44:27 am »
bob ong fan? why not join the bobongbooks.com? I'm sure that you'll meet more people addicted to bob ong and his works.

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #10 on: September 23, 2007, 07:08:36 am »
bob ong fan? why not join the bobongbooks.com? I'm sure that you'll meet more people addicted to bob ong and his works.

member n ako.. pero kahit 1 wla akong lbro nyan.. la kasi akong pambili hehe

it ain't over. . .till its over

zaraki kenpachi

  • self improvement is masturbation...self destruction is the answer
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1371
  • Karma 14
  • Gender: Male
  • pagmulat ng mata...langit nakatawa...
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #11 on: September 23, 2007, 07:18:39 am »
ako merong 3 books nya...

bakit baligtad magbasa ng libro ang mga pilipino ( da best na libro ni bob ong in my opinion ) , ang libro ni hudas at saka abnkkbsnplko.

buy nyo yung bakit baligtad magbasa... siguradong mula first page hanggang dulo eh matatawa kayo, at magkakaroon din kayo ng panibagong hope at faith sa ating pagiging pilipino...
my country is the world and my religion is to do good

[AeRo]

  • ★aeropogi★
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 288
  • Karma 6
  • Gender: Male
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #12 on: September 27, 2007, 09:55:57 am »
Wala bang ebook???
Pashare naman...
Mahirap lang kc ako...
Message nyo lng sakin link!  psrulez::

lhonquin_04

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 49
  • Karma 0
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #13 on: September 27, 2007, 07:34:33 pm »
bro walang ebook nyan eh kasi baka magalit satin si boss bob ong, mura lang naman yung book kaya kayang bilhin tsaka sulit nman talaga sya.......private property mo pa....ako kumpleto na bob ong books ko........

pardz_0702

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 44
  • Karma -1
  • Gender: Male
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #14 on: September 28, 2007, 12:34:29 am »
LETS SUPPORT PINOY WRITERS KAYA BILI TAYO NG MGA BOOK NILA TUTAL MURA LANG NAMAN... toast::

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #15 on: September 28, 2007, 09:49:45 am »
magkano ba?? bka maya 300 isa laffman::

it ain't over. . .till its over

lhonquin_04

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 49
  • Karma 0
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #16 on: September 28, 2007, 08:51:33 pm »
pinakamahal na book nya is 200 pesos at sulit tlga kaya bili na.....(bayaran kaya ako ni bossing bob ong sa ads nito........)hehehe

Ya-ha!

  • Hiruma Youichi
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 173
  • Karma 0
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #17 on: September 28, 2007, 09:55:07 pm »
nabasa ko na rin mga libro nito, okay na okay!

kaya bili n rin kayo toast::

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #18 on: October 09, 2007, 05:07:21 pm »
eto.... galing sa 'Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino'....

Pangkaraniwang sasakyan lang noon nga mga Amerikanong sundalo noong World War II, pero dahil sa angking talino at tawag ng pangangailangan, naisip ng mg Pilipino na gawan ito ng iba pang pakinabang. Pinahaba pa niya ang nasabing sasakyan, ginawan ng matibay na bubong at nilagyan ng dalawang mahabang upuan. Sa paglipas ng panahon, nadagdagan pa ito ng iba’t-ibang dekorsyon. Mga ilaw, salamin, radio, antenna at makukulay na kabayong bakal sa hood habang pag-alaala sa napalitan na panahon ng mga kalesa.

Ito ang mga jeepney ng mga Pilipino, isang pambansang simblo. Naghatid at nagsundo ng bilyon-bilyong pasahero sa loob ng higit kalahting siglo. Malayu-layo na rin ang nabiyahe. Sa katotohanan, umabot na nga ito sa isang museum sa Belgium at pinagbalakan na ring gawing mass transportation sa Africa. Hindi ko alam kung sino ng unang Pilipino na nakaisip na pwedeng gawing pampasaherongssakyan ang CJ3B ng mga Amerikano. Pero sa kanya, nagpupugay ako.

Pangkaraniwang sasakyan ang jeep sa Pilipinas. Kasing ordinaryo ito ng bigas, benilador at paliligo sa araw-araw. Malaking bahagi sa buhay ng mg Pilipino ang jeep. Dahil sa loob nito, hindi ka lang basta nakasakay sa isang sasakyan, nakasakay ka sa isang kultura. Kaya kung gusto mong gawing 100% Pinoy ang jeep mo, ganito ang gawin mo:

- Lagyan mo ng design sa gilid. Pwedeng zodiac signs, landscapes ng Pilipinas o ng mga probinsya nito o mga religious images nila Jesus Christ, Sto. Niño at Mother of Perpetual Help.

- Magsabit ng osaryo o scapular sa rearview mirror at maglagay ng miniature religious ion sa dashboard.

- Isulat sa kisame ang pangalan ng mga miyembro ng pamilya mo, simula sa asawa hanggang sa bunso. Kung konti lang kayo idagdag ang mga tiyo, tiya lolo at lola.

- Kung naisulat muna sa bubong ang pangalan ng buong angkan niyo hanggang sa mga ninuno pero may space pa rin, sulatan na lang ito ng, “God Bless Our Trip” o dikitan ng sticker tulad ng “Basta Driver, Sweet Lover” at “Bayad Muna, Bago Baba”

‘Yan, Pinoy na Pinoy na ang jeep mo. Isa na lang ang kulang … isang genuine Pinoy driver.

Ah… drivers! Sinong pinoy ba ang walang kwento tungkol sa kanila? Sa mahabang karanasan ko bilang pasahero, eto ang mga tsuper ng Pilipinas:

BAGGAGE BOYS- Mga drivers na sa pilahan pa lang eh masinop na. Pilit na sinisiksik ang mga pasahero at hindi umaandar ang sasakyan hanggang hindi nakakapagsakay ng 20 katao sa upuan na pang-14.
Bukambibig: “Kasya pa, dalawa pa ‘yan, kabilaan!”

PACMAN- Baggage boys na matakaw sa pasahero hanggang sa highway. Walang sinasanto na “NO LOADING/UNLODING” signs. Hinihintuan ang lahat ng tao na pwedeng isakay, parang video game player na nag-iipon ng points at naghahangad ng bonus.
Bukambibig: “Sige, koning bilis lang ho at bawal bumaba dito!”

FORMULA ONE- Mga kaskaserong piloto na nagpapalipad ng jeep. Di tulad ng Pacman, maraming pasaherong nilalagpasan ang Formula One. Para silang mauubusan ng lupa. Sa Sobrang bilis magpatakbo, lhat ng pasahero eh napapapikit nang mahigpit sa hawakang bakal.
Bukambibig: (Wala, Hindi nakakausap)

SCREWD DRIVER- Asiwa at mainit lagi ang ulo. Galit sa mga pedestrian, galit sa mga vendors, galit sa mga pasahero, galit sa mga pulis, galit sa mga kapwa driver, galit sa mundo. Sumisigaw, nagdadabog at nagmumura bawat tatlumpung Segundo.
Bukambibig: “&#%@!”

KUYA BODJIE- Ang tsuper na masayahin, Laging nakangiti at sumusipol. Malugod na bumabati sa lahat ng nakakasalubongsa daan. Perpekto n asana si kuya Bodjie kung hindi lang sya’ madalas sanhin ng heavy traffic
Bukambibig: “Kamusta? Kamusta ang mga bata? Ilan taon na ba ang inaanak ko pare? Anu na nangyare sa ina-aplayan mong trabaho sa Saudi?”

SI MANONG- Matandang driver na may matandang jeep. Yung tipong binubuo na lang ng kalawang ang sasakyan nya at pwedeng kakitaan ng mga fossils at itlog ng dinosaur. Madalas ring tumitirik ang makina at talo ang mga pabrika sa usok ng tambutso. Kadalasan naka-tune in si Manong sa AM radio at nakikipagpalitan ng kuro-kurong politikal sa katabing pasahero.
Bukambibig: ”Lipat na lang kayo sa kabilang jeep, nasiran tayo.”

DON FACUNDO- May hihigit pa ba kay Manong? Oo, ang matandang mahilig- si Don Facundo, ang DOM na driver!! Hitik sa green jokes at malalaswang banat
Bukambibig: “Sakay na sexy, iuuwi na kita!” o “Konting ipit para di mangamoy!”

DISC JOCKEY- Ang sound-tripper na tsuper.Ultimo konsensya mo hindi mo maririnig sa sobrang lakas ng stereo nya. Lahat ng bagay sa loob ng sasakyan eh kumakalabog at kumakalnsing sa tugtog. Aakalain mo ring may on-going party sa loob ng jeep dahil sa dami ng pribadong kaibigan nya’ng nakaangkas..
Bukambibig: (Hindi mo maririnig sa sobrang ingay.)

THE SUPER PINOY DRIVER- Marunong sumunod sa batas trpiko. Magalang sa mga pasahero. Hindi nanlalamang sa mga kapwa driver. At ayos magpatakbo ng sasakyan. Isa lang ang problema, hindi pa siya ipinapanganak.

                                             psrulez:: psrulez:: psrulez::

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #19 on: October 09, 2007, 06:45:00 pm »

haha ayos talga  laffman::

it ain't over. . .till its over

MiKeDaCuTe

  • Laking Beer Brand!!!
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3447
  • Karma 159
  • Gender: Male
  • Kung Kaya ng Iba, Ipagawa mo sa Kanila...
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #20 on: October 10, 2007, 03:37:56 am »
sarap talaga basahin... makakarelate talaga ang mga tipikal na masang pilipino hehe!  laffman::

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #21 on: October 10, 2007, 12:03:25 pm »
ayus pre!

MANI-AL

  • Guest
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #22 on: October 10, 2007, 03:05:49 pm »
mga pare, ung macarthur ung bago nya.. about sa ka-adikan ng tatlong magkakabarkada.. hirap kwento, spoiler msydo.. pero eye opener pra sa lahat!!

Skrappy <3

  • Espiya Fuckaroo <3
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 972
  • Karma 8
  • Gender: Male
  • Sex is a part of nature. I go along with nature.
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #23 on: January 17, 2011, 07:18:44 am »
Ang PInaka bago ata jan mga ka spies eh yung
"Ang mga kaibigan ni mama susan"
yan yung diary niya simula pagkabata nilagay n jan may mga kababalaghan
pero hindi sure kung totoo lahat yun hanggang sa dulo ah. pero 1 thing is for sure.
mahirap ang naging buhay ni bob ong :) kulay violet yung book sa MoA meron marami tinda. National books store

page up

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 495
  • Karma 9
  • Gender: Male
Re: Bob Ong's Intro of "Ang Paboritong Libro ni Hudas"
« Reply #24 on: January 17, 2011, 08:53:29 am »
sir, binuhay nyo po ang matagal na topic, 2007 pa po ito.