na-encounter ko ito last saturday, Nov 22, 2008. apat sila na sumakay, di nga lang sabay sabay, pero just a few meters away from each other. sa pagsakay pa lang nila kinutuban na ako. alanganin kasi yung place tapos may sasakay na apat na just a few meters apart.
nag-abot ng bayad yung isa, tapos aabutin ng kasama pero di masasalo. kaya mahuhulog sa sahig. gagalaw galawin nila yung paa mo para kunwari may hinahanap na barya. yun pala may dinidukutan na nila yung ginagalawan nila ng paa. pan distract nila yung gagalawin yung paa mo. after, makuha yung dinukot nila, bababa na sila,
aware ako sa modus, sa may babaan ako ng dyip nakaupo. hinarangan ko ng paa ko yung babaan. sinabihan ko yung mga pasahero check nila kung may nadukot, lalo na yung ginalawan ng paa. yun na, kanya kanyang talon na sa bintana. mahirap naman habulin kasi pumasok sa may eskinita. nangyari ito malapit sa UE Caloocan. in fact malapit din ito sa station ng Pulis. Kawawa yung estudyanteng ginalawan ng paa, nadukot yung celphone, buti na lang 3310 lang. but still malaking bagay na rin yun para sa isang estudyante na walang trabaho.
ingat-ingat na na lang. magpapasko pa naman, madaming ganyan naglalabasan ngayon