AMINADO si Joey Marquez na co-star killer daw siya.Kahit sa interview, funnyman si Joey who has a new sitcom this Monday sa GMA, ang Who’s Your Daddy Now na kapalit ng Lagot Ka Isusumbong Kita. This time daw ay matino ang kanyang character. Makakasama niya rito sina Jean Garcia and Julia Lopez. Naging item sila noon ni Jean sa iba’t ibang showbiz articles. At si Julia, natatanong na kung alam niya ang pagiging ‘co-star killer’ ni Joey.Nang si Joey naman ang tinanong kung true ito, umoo agad siya sabay tawa. Para wala na raw magtanong pang iba. Sino raw ba kina Julia and Jean ang pupormahan ni Joey. Sabi niya, kahit sino raw. Hindi naman maiiwasang itanong sa kung may chance sila ulit ni Jean lalo pa’t magkakasama sila nang matagal sa isang sitcom. Tingnan na lang daw natin, sabay tawa ulit.Papaano si Julia? Time management lang daw ‘ yan.
si joey marquez parang si dirty sanchez ng bangbus magaling sa sales talk
Picturs po wala?