guys read nyo ito....http://www.pep.ph/news/12762/Peeping-Toms-hound-the-shooting-of-"Silip"Contrary to reports, hindi pa nakukunan ang mga love scenes nina Diana Zubiri, Francine Prieto, at Polo Ravales para sa Silip, ang bagong pelikula ng Seiko Films na mula sa direksiyon ng award-winning filmmaker na si Joel Lamangan.
Si Racquel Villavicencio ang scriptwriter ng Silip at sa liblib na lugar ng Bongabong, Nueva Ecija, ang shooting ng pelikula.
Noong Linggo, April 1, ang eksena na naglalaro sa ilog sina Diana at Francine ang kinunan ni Direk Joel. Malayo ang location pero dinayo pa ito ng mga tao na gustong makita nang personal ang mga artista ng Silip.
Off-limits sa mga usyosero ang shooting dahil half-naked sina Diana at Francie sa eksena, pero hindi naitaboy ng production staff ang mga tao. Napapaligiran man ng bundok ang ilog, hindi ito naging hadlang para malaman ng mga tao na may shooting sa naturang lugar.
Napailing na lamang ang production staff at ang mga artista nang makita nila na parang mga sundalo na nakadapa sa bundok at susugod sa giyera ang mga gustong manilip sa mga hubad na artista. ....
di kaya kaespiya natin ang mga nakadapang yun? Wala naman silang nakita maliban sa likod nina Diana at Francine na parehong nakatalikod sa kamera.Hindi sigurado ang production staff kung may nakita ang mga namboso nang kunan ang eksena nina Polo at Francine habang tumatakbo ng kapwa hubo't hubad.
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa susunod na buwan ang Silip.
Silip din ang pamagat ng controversial movie na pinagbidahan noon nina Sarsi Emmanuelle at Maria Isabel Lopez pero magkaibang-magkaiba ang kuwento ng mga nabanggit na project.