Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?  (Read 2776 times)

joeyances

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 264
  • Karma 0
sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« on: March 21, 2007, 06:50:19 am »
Mga ka spy, sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless sa bansa?
yan kasi ang pinagyayabang ni gloria e.

Pero ewan ko lng ha! hindi nman ako yon tipo na lagi kontra sa gobyerno noh!

Sabi kasi bumaba ang rate ng jobless sa atin dahil daw sa call center.  :-\

Ay naku, totoo nga pero ang nakaka pagtrabaho lng doon ay mga marurunong mag english, as in fluently, pano yon hindi dba. Marami rin nagtapos sa college na baluktot ang english, dahil ang professor nila wala alam gawin ituro ay ang mag sulat. Pakokopyahin sa blackboard, ayon natapos ang klase na komopya lng sa blackboard, at ang professor, nagbabasa na kung ano! :-\

Kaya nang nakagraduate ayon pasmado ang kamay ng student, sana pinabasa na lng ng libro, bka natuto pa mag english dba!

Gaya rin nun elementary ako, ganyan ang ginawa sa amin ng mga tamad kung titser. Natapos ang curriculum na puro sulat lng ang ginawa. Kaya ang history ng nasa libro hindi nmin alam. Ang nagka honor pa sa amin kundi ang anak nila o kamag anak-- Dyos ko po.

Nang lumaki ako at tumanda ng kaunti. Napag isip isip ko na sana sa private school na lng ako nag aral. Ng may matutunan nman ako.

Hindi natin masasabi na sa studyante nakasalalay ang kanyang kinabukasan kundi sa mga titser din eh! Karamihan sa mga public titser sa probinsya, at khit d2 sa lungsod ay, mga tamad mag turo.
Yan ang problema sa edukasyon na hindi pa nalalaman ata ng NGO, at ng gobyerno, ewn ko ba kung bkit.

At nung ako ay nag college. Biktima na naman ako ng non quality education. Bwisit. Kaya pano ako makaka aplay sa call center e baluktot ang english ko. Cguro hindi lng nman ako ang ganun noh! Sa libo libo nag aaplay sa call center. Hundred lng ang pumapasa.

Madadama ko cguro ang pag angat ng employment rate sa atin bansa pag ang pag aaplay ng janitor sa hotel ay madali matangap. Nag train pa ako ng housekeeping sa swapang na agency ko dati sa kabila ng ako ay college graduate upang mkapasok lng ng janitor sa hotel. Mahigit isang taon ako nag aplay, hangang ngayon wla pa rin. Dami HRM ang hindi makapasok sa hotel kahit janitor o roomboy man lng. Naloko pa kmi ng agency ko na nag training sa amin ng housekeeping. Pinag kakitaan lng kami.

Isipin nyo na lng khit mag paka baba ka ng level, mhirap pa rin mag hanap ng trabaho.
Call center na lng ba ang open na trabaho d2 sa atin.
Sana marami ang tangapan sa iba't ibang larangan ng propesyonal at bokasyonal.

Sana mapansin ng gobyerno ni Gloria iyan, parang kuntento na sya na marami ang nagtratrabaho sa call center eh. Pano na kami ang biktima ng non quality education sa probinsya.

Mabuti at nakapag trabaho ako at pasalamat ko yon sa dyos dahil sa mga dasal ko at hindi sa gobyerno natin na, nakuntinto sa call center. Wala na ata magawa si Gloria para bigyan trabaho ang mga pilipino, sa kabila ng pag ka kilala ko sa kanya na matalino pulitiko.

Sabagay kahit ako wala na ako maisip na paraan para dumami ang makapag trabaho sa atin, pero yon ang obligasyon ng gobyerno na bigyan tayo ng trabaho. Problemahin nila yon... na paunlarin ang bansa natin at dumami ang negosyo para may trabaho tayo.

Pero sa ngayon, wag na tayo umasa dahil gaya ng sabi ko, kuntinto na ang PGMA admin., na marami ang nakapagtrabaho sa call center.

Tumatangap kaya ang convergis ng janitor?
« Last Edit: March 21, 2007, 07:00:04 am by joeyances »
what do you think

librhon

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 230
  • Karma 5
  • Gender: Male
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #1 on: March 21, 2007, 07:31:14 am »
pareho lng pla tau tol.. ako rin eh bluktot din english kaya d ako mtangap sa call center halos lahat ng call center dito samin naaplyan ko na kaya bumabagsak ako sa final interview eh..  d ko sumasang-ayon na bumaba ang jobless rate ntin dito.. 

ewan ko kng tumatangap ba ng janitor ang convergis kc nung mg-exam ako dun ala akong nktang janitor eh..  laffman:: bnana laffman::
:-D

joeyances

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 264
  • Karma 0
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #2 on: March 21, 2007, 07:42:22 am »
o dba, ibig sabihin call center lng open sa atin.
 
what do you think

librhon

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 230
  • Karma 5
  • Gender: Male
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #3 on: March 21, 2007, 07:59:00 am »
cgro kc mostly tumatawag skin ngaun is call center company eh..
:-D

lantaka_iligan

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 57
  • Karma -1
  • Gender: Male
  • express yourself!
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #4 on: March 21, 2007, 09:20:18 am »
jobless pa din ako ngaun bro. palabas lang naman yan kasi election.

Van Wilder

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 609
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • MVP
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #5 on: March 21, 2007, 09:25:00 am »
OO. Dahil sa mga call center at sa mga nagtratrabaho abroad. Medyo mrami rn ng open na establishments kya marami cguro nagkakatrabaho. Pero malamang nagkataon lang yan at di dahil sa gobyerno.

JamsKigoL

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 300
  • Karma 5
  • Gender: Male
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #6 on: March 21, 2007, 12:51:52 pm »
may bago ata tinatayo sa makati na company ngayon, yung DELL i think 2008 matatapos na yun, umpisa na din ata hiring eh. may call center din ata. dami hiring pero sa manila lang. it doesn't depend na hndi tau magaling mag english eh d na tayo pwede dyan sa call center. it's not too late to learn..
Biakolum Torifak

marbz

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 700
  • Karma -1
  • honda Prelude 2.2 bitch!
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #7 on: March 21, 2007, 01:29:29 pm »
0o.. sang-ayon ako na bumaba ang jobless rate..

kasi, pag maraming may trabaho, of cors, they will spend the money, meaning, more investors will invest and put up businesses thus creating more job opportunities to all people; from managers, supervisors, cashier, waiter, janitor and etc..

dba?
Honda Prelude 2.2 bitch..

Uncle_bob

  • The Rasta Man is back!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1728
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Ano ka sabog?!
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #8 on: March 21, 2007, 10:50:42 pm »
Hindi ako naniniwala jan... kung matsaga kng maghanap mkakakita ka rin ng bagay sa lifestyle mo at lalong kung anong natapos mo... basta hanap lng wag titigil... about call center issue hindi ko rin kasi gusto yun dahil yung mga bata imbes na gamitin nila yung pinag-aralan nila bumabagsak sila sa pagiging answering machine which is hindi maganda... kaya bumababa ang quality ng nga employee rito dahil wala na ring practice.. mas maganda cguro kung wag muna madaliin ang pag asenso sa buhay... mas masarap mag trabho pag gusto mo yung gingagawa mo...


micyehey

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1039
  • Karma 11
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #9 on: March 22, 2007, 12:10:08 am »
hindi ako naniniwala diyan!!! baka yung growth lang ng call center yung consider nila... pano naman yung mga ibang pinoy na hindi fluent mag english??? ano trabaho nila? kinalimutan na nila? tama nga yung sabi ng iba.... palabas lang yan!!! pero opinion ko lang po yun!!! bnana

joeyances

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 264
  • Karma 0
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #10 on: March 22, 2007, 04:06:43 am »
salamat mga ka spy sa nagbigay ng opinyon nyo sa topic ko ha.
Ang sa akin lng kasi, medyo nakakainis na call center na lng ata ang gusto ibigay ng gobyerno sa mga nag hahanap ng trabaho.

Oo nga pag umunlad ang call center sa atin, susunod na rin dumating ang ibang trabaho dahil sa kumikita sa call center, gaya ng restaurant cguro, gimikan ng mga call center agent. At kung ano pa lifestyle na mga agent na yan.

Pero isipin nyo na lng marami trabaho na hindi napapasukan na ngayon dahil wala bakante. Pano na ang tinapos ng nag college dba. Marami company o establishment ang hindi na umunlad dahil kulang sa suporta ng ating gobyerno. At pinag tuunan ng pansin ang madaliang kita, o agaran na mka solve sa problema.

Pero sana pansinin nman ng gobyerno natin na marami pa dapat paunlarin na companya. Ang Agriculture natin paunlarin. Wala sa ibang probinsya ang call center. At karamihan ng college graduate sa probinsya ay hirap mkapasok sa call center.

Pansin ko nga marami na ang nagtratrabaho sa abroad, at nag aaplay, pero sa kagaya ko na hindi pa maka aplay for abroad dahil hindi pa maka ipon ng pang gastos sa pag proseso ng papel, kelangan mag tiis sa pilipinas at mag hanap.

Sana bigyan pansin ng gobyerno natin na hindi lhat ng jobless sa bansa, fluently sa english, at hindi pa makaka abroad dahil sa kulang ang pinansyal.

Sana hanapan ng paraan ng ating gobyerno ang problema ito, at wag makuntento sa biyaya ng call center company.

Mag isip pa sila ng negosyo na pede mag click sa bansa natin at pede magtrabaho ang ordinaryo tao. Gaya ko
what do you think

Kal-El

  • The Man of Steel
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2248
  • Karma 12
  • Gender: Male
    • The Last Son of Krypton
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #11 on: March 23, 2007, 11:38:18 am »
Sa tingin ko, bumaba din talaga ang unemployment rate or jobless rate na inyong tinatawag. At isang dahilan na nga dito ay ang pag-dagsa ng mga call centers sa bansa at iba pang mga multi-national investors. Di man ito nakakbuti sa kadahilanang hindi nagagamit ng mga gradweyts ang kanilang tinapos, ay isa parin itong marangal na trabaho. Sa katunayan, di mo rin kailangan maging gradweyt dahil mayroon akong ilang mga kaibigan na hindi pa tapos sa pag-aaral ay nakapasok sa mga call centers. Tulad nga ng naisulat ng isang ka-espiya natin, tiyaga lang at walang tigil na paghahanap ng trabaho ang makakatulong sa isang tao. Pero, siyempre, di rin makakasakit kung may tinapos ka.

Pero, maiba ako ng kaunti, di lahat ng nasa call centers ay fluent talaga mag-english. Noong huling tawag ko for customer care, Pilipinas ang nakaksagot ng tawag ko. At 5 sa 10 nakausap ko ay nauutal pa mag-english. Nasabi ko ito hindi para maliitin ang kapwa nating mga Pilipino na nagtatrabaho sa call centers. Ang akin lang ay para maipakita na hindi rin lang sa fluency sa english ang basehan ng pagpili ng empleyado.  ;D
"The son becomes the father, and the father becomes the son..."

ignite

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 166
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #12 on: March 23, 2007, 12:37:20 pm »
puwede siguro na bumaba nga ang rate ng umemployed pero hindi ibig sabihin nito na kumonti ang mga walang trabaho. Halimbawa 100 lahat tapos 50 ang walang trabaho last year tapos this year 200 na ang total tapos 80 ang walang trabaho, bumaba nga ang rate of umemployed from 50% to 40% pero dumagdag pa rin ang mga walang trabaho. padami pa rin ng padami ang mga walang trabaho.

joeyances

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 264
  • Karma 0
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #13 on: March 23, 2007, 09:23:50 pm »
salamat ulit sa dalawang ka spy natin na bumasa at nag comment.
Tama si Ignite, ito palapit na nman ng graduation ay dadami na nman cguro mag aaplay, pero ilan porsyento kaya sa knila ang makakapag trabaho agad.

Oo nga nabawasan ang job bless sa atin kaya lng, hindi lahat ng jobless ay makaka aplay o matatangap sa call center. Dahil sa karaniwan na ang pag aaplay sa call center, hahanapin na ng employer ang pinaka da best applicant.

Gusto ko lng tuunin ng pansin na sana hindi lng call center ang in demand na trabaho sa atin. Gumawa pa sana ng paraan ang gobyerno natin na dumami ang trabaho sa iba't ibang antas ng propesyon at vocational. Gaya ng sabi ng ibang nag comment, bumaba ang level ng employee status sa atin, o sayang ang pinag aralan ng nakatapos sa kolihiyo, na pede magamit sa pag unlad ng ating bansa, at hindi naka sandal sa call center company.
what do you think

excon

  • Penitentiary Chief
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1746
  • Karma 18
  • Gender: Male
  • "hey fish! welcome to Prisneyland!"
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #14 on: April 10, 2007, 09:17:41 am »
parang wala namang pinagbago.. kawawa naman tayo!

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #15 on: April 10, 2007, 04:32:01 pm »
nsa tao lng yan kung mka2pagtrabho sya o hndi minsan kulang lng s diskarte at tyaga.. pero tingin ko nmn bumababa ung jobless ntin

it ain't over. . .till its over

krista_cuevas

  • SpyGirl
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 831
  • Karma 0
  • Gender: Female
  • pinoy spy will surely rock your world!!!
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #16 on: April 10, 2007, 10:06:18 pm »
hindi ako naniniwala,lakas kc ng discrimination dito sa tin di tulad sa ibang bansa kahit anong age basta kaya mo ang trabaho ok lang.unlike here my age bracket.wat if wala kang pinag aralan hirap ka talaga makhanap ng work n stable...tsk!tsk!tsk!kaya dami nag aabrod...

SuperBatista

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 18
  • Karma 0
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #17 on: April 12, 2007, 10:09:46 pm »
HINDI!!!!!!!!!!!!!!Kaya tumaas rate ng ngaabroad, madaming professional wlang trabaho, meron man maliit like ng mga dr,engr,acct,etc. b*; b*;

123kid123

  • Suspended
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1231
  • Karma -13
Re: sang ayon ba kayo na bumaba ang rate ng jobless?
« Reply #18 on: April 19, 2007, 04:40:05 am »
There's no question that unemployment rate went down. But the question of if unemployment rate is "small" is another story.

The government is trying hard, getting investors and maximizing national trade. And I must say its not easy in our current policies. That's what they're trying to do, GMA and party are trying to remove the bottle neck of progress. Support charter change.

Labor or man power has always been Philippine's strength. Call center and Business Process outsourcing will be generating jobs in an exponential rate.

All Roads Lead to Espiya's Resident Genius, 123kid123.

Mods, mods! Help! I just got owned! - multimillion dollar man

I do have followers. They post everywhere I post. Do you?