sa kadahilanang ito ang batas ng Iraq, masasabi ko na ang pagbitay ni Saddam ay naayon kapalit ng mga gawain niya noon bilang presidente. Tunay na isang masamang tao si Saddam sa ating mga paningin at walang dudang nagkasala siya. Ngunit, dapat natin isaisip na nagkaroon itong tao na ito ng kapangyarihang kanyang tinaglay dahil na rin sa suporta ng Estados Unidos ng tulungan nito si Saddam na isuplanta ang namumuno noon sa Iraq. Kaya't ang tanong ay, siya lang ba ang dapat bitayin? Siya lang ba ang nagkasala? Totoong hindi mabibitay ang Amerika, ngunit di ito nangangahulugang wala itong kinalaman sa mga pangyayari sa Iraq. Ayon nga sa kasabihang Ingles, "They have made a monster out of him."
Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon na kung saan ang lipunan ng mundo ay namumuhay sa sibilisasyon ng sensya at teknolohiya, ay may pagkabarbaro pa rin. Subalit, dahil nga ito ay batas ng Iraq, at dahil na rin sa mga masasama at karumaldumal na gawain ni Saddam nung siya ay nakaupo pa bilang presidente ng Iraq, siya ay dapat bitayin.