Bago ang lahat gustong kong mag thank you sa mga sumusuporta sa TAU GAMMA PHI/SIGMA maraming salamat at mabuhay kayong lahat....
Una para sa mga taong iba ang pananaw sa mga kagaya nmn kasama sa fraternity, hindi lahat ng taong kasali sa ganitong klase ng kapatiran ay masama at puro gulo lng ang gusto,
Ang tunay na layunin ng Fraternity ay Kapatiran or Brotherhood kung saan lahat ng kasali sa grupo ay may iisang layunin at yun ay pagkakaisa na kung saan ang magiging turingan ng isa't isa ay parang tunay na magkakapatid, magdadamayan sa lahat ng bagay, sa lahat ng problema, pagtulong sa kapwa at nangangailangan, pagtulong sa bayan at lalong-lalo na sa sarili. Yan ang tunay na layunin ng TAU GAMMA PHI/SIGMA fraternity, pero dahil sa kadahilanang marami ng kasama sa grupo at hindi lahat ng kasali ay tinuturing itong isang kapatiran, dyan na lumalabas ang maling imahe ng fraternity kung saan ang mga kasali sa grupo at lumalabag na sa batas ng kapatiran.
Hindi nmn lahat ng kasali ay kagaya ng mga sinasabi nyo na msama at walang ginawa kundi mangulo at maghanap ng ayaw.. Oo totoong hindi umaatras sa laban ang TAU GAMMA pero ito'y para pangalagaan lng ang grupo at ang mga mimyembro nito. Totoo din na ang pagsali sa ganitong grupo ay ngdudulot ng konting yabang o pag mamataas sa sarili dahil kahit ako dumaan sa ganun, dahil cguro sa pagiisip na may kasangga ako at may magliligtas sakin ang kapatiran.
Dahil marami ng mimyembrong kasali dito at iba't iba ang personalidad hindi parin kayang hawakan ng fraternity ang pagdedesisyon kung anong dapat gawin at ng isang mimyembro at hindi rin maiwasan na may mga mimyembrong KUPAL na walang ginawa kundi manggulo at sirain ang pangalan ng TAU GAMMA PHI/SIGMA
Hindi rin lahat ng kasali dito ay kagaya ng mga iniisip ng karamihan na ang fraternity ay puro gulo lng ang alam, at ang mga kasali dito ay puro gulo lng ang gusto at ang mga mimyembro nito ay puro wlang alam at wlang mararating, puro bobo at mga mayaybang sa eskwela pero wla nmng utak, mga maangas na puro away lng, dahil gaya nga ng sinabi ko iba-iba ang personalidad ng kada isa sa mga mimyembro marahil yan lng ang nkikita nyo dahil yan lng ang alam nyo kaya gusto kong sumali kayo para malaman nyo kung anong tunay na kahalagahan ng kapatiran.
Ako marami akong natutunan sa fraternity at dahil dito naging mas matured ako pag dating sa pakikisama sa mga ibat ibang klase ng tao at kung gano ba talga kahalaga ang pagtulong at pagdamay sa kapwa.
Sa mga taong maraming tanong kung para saan ang fraternity sumali kayo yan lng ang sagot sa katanungan nyo... wla ng iba.
LONG LIVE TAU GAMMA PHI!!!!
PS. MARIKINA CHAPTER AKO (isa sa mga college dun hindi ko nlng sasabihin kung saan baka may mkakilala sakin - ALUMNI BATCH 2005)
boobs::
(GANDA NG EMOTICONS - lupit!)
(FAVORITE KO!)