IMO, mas mabuti siguro kung ipinablotter mo man lang ang insidente at least may record, saka kailangan mo yun kung sakaling gusto mo mag claim ng insurance para sa pagpapaayos ng sasakyan mo.
Sa mga ganyang sitwayon eh depende yan sa mga involved na tao kung ano ang gusto nilang gawin. In case gusto ng kabilang kampo na mag sampa ng reklamo, doon na papasok ang mga pulis para mag imbestiga. Pero kung nag kasundo naman kayo na quits na lang, e wala din namang magagawa ang awtoridad jan not unless walang lisensya o kaukulang papeles ang isa sa inyo.