Hi Co-Spies,
Options:
1. Makipag break
2. Cool-off muna? (para malaman mo kung gusto mo pang ituloy?)
3. Makipag usap at makipag ayos.
Mga 3 years na kami ni GF, 2 years living together. I'm 33, she's 22. May ups and downs ang relationship as normal na nangyayari. Pero currently, hirap syang mag stay lang sa bahay at madalas syang nagkukulong sa kwarto kasi ayaw nya ang feel nya sa Tiyahen ko. Kasi si Tiyahen, di sya type para sakin. Ako tapos nang pag aaral, may maayos na trabaho (office work) like Manager sa Bangko at this age. Tapos sya, 2 years lang tinapos.
Di ko sya mapag work kasi maliit lang ang sahod, and as-in hirap syang makahanap ng work na gugustuhin namin kasi hindi sya marunong mag english. At medyo di talaga sya ganung ka competetive na tao. Just saying para alam natin ang feel ng sitwasyon.
Ang mahirap lang, kahit naman ikaw, ako, o kahit sino, kung lagi lang sa kwarto, nakaka buryong. Pero, di ko naman kasalanan yun eh. Ginagawan ko nang paraan. Bumili nako ng French Bulldog, dalawang Siamese cat, going out palagi like Tagaytay, EK, AceWater Spa, Moa, Ocean Park, expensive resto (napag sawaan na rin), park park etc. wala pa rin, lagi na lang nya kong inaaway sa kaburyongan nya. Inuuwi ko rin sya sa bahay nila, kahit malayo para makapag unwind. Pero pag nabuburyong sya, tatahimik at para akong si Professor X sa pag isip kung ano gusto.
Ang hirap nang ganitong sitwasyon. Kelan ba to matatapos? kelan ba aayos? Tatapusin ko na ba ang relasyon?
Ang akin lang, wala namang problema. Saka walang rason na ako ang pahirapan nya kung hirap sya. Kung nakakaBuryong ang buhay nya, walang tamang dahilan na ako ang pahirapan nya sa pag tahimik nya sa bahay, at todo suyo ako sa kanya. I've been living this life for 2 years already. and my question is, when is the time na makakapag isip naman sya at mag aayos?
Ako, ang iniisip ko, kung ako nasa lagay nya, dapat si Mister ang unang taong iiyakan nya sa hirap ng buhay, hindi yung bibigyan nya nang tantrums at pahihirapan.
Additional Details: di kagandahan ang pamilya nya, ang tatay nya, namatay 2 years passed. Okay kami ng Dad nya, kaya sya ay nasa saking poder. Ang papa nya, may unang asawa at may anak dun. sya ay anak ng papa nya sa pangalawang asawa. Si mami nya, may pamilya nang sarili. ang asawa ni Mami nya, minamanyak sya. Si lola nya, na kasama nya nung panahon na buhay ang papa nya, binubugaw sya na magBF at magpakasal sa may pera pag hindi ako ang BF nya, nangyari yan pag nag short break-up kami.
Ako, nung time na nag break kami dati, nagpakita si Lord ng Sign na bumalik ako sa kanya. As-in, nananahimik na lang ako sa buhay ko, walang GF, tapos binalita sakin ng kakilala nya na nakikipag kita nanaman sya sa Ex nya na nangGugulpi sa kanya dati. kaya nanakit ang aking puso at di kinaya. Nung nagkita kami ulit, may iba pang guy na niloloko nya lang, at napaaway ako. Di na lang ako nag isip at sinunod ang puso ko. Nakipag balikan agad, kasi di ko tanggap na ginagago nya ang buhay nya pag wala ako.
Ako end game, pag hindi na kami, mapapariwara ang buhay nya. Lalapit ang mga lalakeng, di ka ayusan, kasi di rin naman sya ma-utak eh... I feel guilty pag ganyan ang nangyari.
Bat kasi, ako na ngang ginagawa lahat ng magagawa ko para sa kanya, ganyan pa sya. Ilang beses ko na syang tinanong, bat sya ganyan, ang sagot, di nya rin alam. Pag tinanong mo kung mahal ka nya, sasagot naman sya nang Oo. Pag wala ka, mahal na mahal ka nya.
Isa pang detalye. Kung ikaw man o ako o kahit sino mapunta sa sitwasyon nya, pinalaki na hindi marunong sa buhay dahil bwisit na pamilya nila, ang iniisip lang sa anak eh makapag japan o makahanap ng may perang ng BF/GF. Di ka pinag aral ng maayos. Di ka tinuruan nang pagsisikap. At dahil nga broken family pa sya, broken rin ang isip ng ganitong tao. I feel her...
Kayo, ano ang mapapayo nyo? ano ang hakbang na itetake nyo kung kayo nasa sitwasyon ko? Please provide details and reasonings. In case na nakaka Relate kayo, wag mag atubiling iType ng mahaba at talaga namang tatanawin ko tong malaking tulong at ako naman makikirelate sa sitwasyon nyo at eCocompare sa sitwasyon ko.
Kung ako, makikipag break. Mananahimik muna ako sa buhay ko...