"Nakakabingi"
Tatay: Anak, kinuha mo ba yung 500 pesos sa bulsa ng pantalon ko!!
Anak: Anong sabi mo Tay?
Tatay: Ang sabi ko, kung kinuha mo ba yun 500 pesos sa bulsa ng pantalon ko!! Ang bingi mo naman damuho ka!!
Anak: Hindi ko talaga marinig Tay!! Magpalit po kaya tayo ng pwesto?
Tatay: Oh sya sige... At subukan mong ikaw ang magtanong sa pwesto ko!!
(nagpalit ng pwesto)
Anak: Tay, saan kayo nagpunta ng babaeng kasama mo kahapon?
Tatay: Anong sabi mo anak?
Anak: Ang sabi ko, saan kayo ng nagpunta ng babaeng kasama mo kahapon?
Tatay: Oo nga... Tama ka anak, nakakabingi nga dito... Oh eto 1 thousand pesos mamasyal ka muna sa mall... hahaha..
...