desisyon mo yan brad na huwag muna sumulpot sa espiya kaya rerespetuhin naming mga ka-espiya mo dito. pero suggestion ko lang sa iyo at sa may kapangyarihang tuparin ang iyong kahilingan, kung magkaiba ang deactivate at disable, pwedeng disable na lang muna. kasi ang malamang na rason ni beaverjohn sa pagrequest ng deactivate ang account niya ay para hindi na siya makapasok sa espiya pag siya ay natukso, one, two, three months from now. ibigay natin yun sa kanya. eh papaano pag ok na si TS at gusto na niya bumalik dito? sana eh pwede na uli natin siya activate para sa kanyang pagbabalik eh masasabi natin na "maligayang pagbabalik kapatid. namiss ka namin. magpainom ka na."
gaya ng sinabi ni Eroto, bilib din ako sa paraan mo ng pagpapaliwanag, lalo na pagdating sa iyong relihiyon. ika nga eh naiaangat mo ang iyong relihiyon na hindi tinatapakan ang ibang relihiyon. sana eh yun ay matularan ng mga ibang kapatid natin dito.
kung ano man yang pinagdadaanan / pagdadaanan mo kapatid, alalahanin mo na may mga ka-espiya ka na handang tumingala sa langit at magsasambit ng dasal na sana ay maging maayos ang lahat para sa iyo. kaya kung pagkalipas ang ilang taon eh naging maayos ang lahat sa iyo, magparamdam ka at marami ang tiyak matutuwa sa iyong pagbabalik. sa muli nating pagpapalitan ng opinyon dito sa ating tahanan, kapatid na beaverjohn2006.