Isa sa mga problema nating mga pinoy, sinasabihan na tayo kung ano lang ang mga pwedeng ilagay at hindi pwede at dapat nakalista ang mga laman dahil may habol ka kung sakaling may damage o mawala sa cargo mo, tayong mga pinoy laging misdeclaration kung ano ang inilalagay natin sa loob.
Kaya di ba napapansin ninyo bihira ang complaints sa kanila sa missing o damage item sa loob ng box kasi nga una nilang titingnan ang list kung yung item na sinasabi mo ay talagang laman ng box at kung wala doon sa list kahit saang korte malamang talo ka at ikaw pa ang pwedeng kasuhan nila.
May dalawa kaming family member sa abroad, sa experience ko wala pa naman akong nabubuksan na box na ninakawan o damage ang mga item. Mula sa appliances, glasswares, laptop, jewelries and utencils so far ok naman lahat.
Dapat kasi lahat ng mamahaling item nasa gitna ng box para mahirap dukutin at maganda ang packaging kumpleto sa padding at protective tape.
Dapat basahin din natin ang terms and condition at kung ano ang kanilang limited liability sa cargo mo kaya may idea ka na kung ano lang ang pwede mong ipadala at pwede mong habulin sa kanila in case na may problema.
Usually ang balikbayan box ay by land ang delivery, mula sa barko ipapasa sa mga sasakyan na maghahatid sa destination, dito palang ilang beses na papasapasahan ang box mo may times na mahuhulog yan sa pagkakapatong patong nila lalo na sa loading and unloading. Sa amin nga sa harap pa ng bahay ng malaglag sa saksakyan ang box dahil biglang dumulas sa kamay ng delivery personnel pero ok naman sa loob may konting yupi lang ang mga imported canned goods but the precious item in the middle remains intact and no damage.
Kaya nga matrabaho pag nagbubukas kami kasi ang daming protective covering na inilalagay sa mga item to ensure na walang madadamage dito. Tandaan po natin na ang balikbayan box ay walang tatak na "fragile" or designated siya sa "special handling" treated po nila ito as ordinary cargo kaya expect the unexpected along its journey.
At tatandaan kung hindi mo nadeclare ng tama ang laman ng box mo hanggang doon lang ang pananagutan nila sayo.
And TS mukhang pang negosyo ang laman ng box mo at umiiwas ka sa custom duties kaya sa balikbayan box ka nagpadala, advice ko sayo charge it to experience na lang kasi baka mamaya pati custom habulin ka nila at maghigpit sila sa mga balikbayan boxes mas marami pang madadamay.
Kaya nga sa post office uso ang nakawan sa laman ng sobre kasi alam nila na may matitigas ang ulo na maglalagay ng mga di dapat dito ilagay.
The more you make noise the more na mapapansin ka ng mga govt. regulators at baka one day dumaan na sa inspection ng custom ang mga balikbayan boxes, kawawa naman ang mga milyones nating kababayan na madadamay.