Hindi ko Story to, Its a story of a close friend of mine.
Kanina, mga bandang alas tres ng hapon sa tapat ng Hap Chan Restaurant malapit sa intersection na gaya ng SM sa Pala- pala, Dasmariñas, Cavite ay naghihintay ako ng masasakyan na bus pauwi sa Trece Martires City, Cavite kung saan may lumapit sa'king isang lalaki na tawagin nating boy1. Nagtanong siya kung saan daw ba ang Langkaan, kung sa doon daw ba (habang itinuturo yung kabilang daanan na tabi ng Robinson's) sabi ko naman, lahat po ng mga masasakyan na dadaan dito, dadaan po sa Langkaan. Nagpapatulong siya kung saan, at dahil sa awa at gusto ko naman siyang matulungan dahil maliit na bagay lang yun. Tinulungan ko siya. Sinabi niya kasi na OFW daw siya na galing sa Middle East at 6 years na daw siya dun. Kasal daw ng bunsong kapatid niyang babae bukas kaya naman may hinahanap siyang studio na may tindang camera na pang coverage ng kasal. Hiniling niyang sumabay na lang sa'kin sa pagsakay ko at ibaba siya sa Langkaan. Yun naman ay pinaunlakan ko. Habang nasa dyip kami, sobrang napakarami pa niyang kinwento. Literal na mula sa pagsakay namin sa sa Pala-pala hanggang makababa ng Langkaan e nagkukwento siya, kesho ang hirap daw sa pinagtatrabahuhan niya kasi daw nagpapababa daw ng ekonomiya dun yung 7-star hotel dun na puro ginto, hindi daw nagclick kasi sobrang mahal, lugi daw dahil napakamahal ng pagpapagawa. Sa lahat ng kwento niya, oo lang ako nang oo. Alam ko pa ang ginagawa ko nun, hanggang sa nakuha niya na ulirat ko at na hypnotize na ako. Napababa din ako sa Langkaan. Pagdating sa Langkaan, may isang lalaki siyang natawag na hindi ko namalayan na tawagin nating boy2. Agad namang napakiusapan ni boy1 si boy2 na tumulong sa kanya kaya dalawa na kaming natulong sa paghahanap ng studio ni boy2. Sa papel na dala ni boy1 kanina, ang nakalagay lang e yung brand at detalye nung camera na kailangan pati yung presyo na 25.5k na sinabi daw nung kaibigan niya sa kanya. Nagtaka ako na walang address. Pero ang tanga ko talaga, sumama parin ako. Binigay ni boy1 kay boy2 yung papel at sinabi ni boy2 sa'min na siya na lang ang hahanap at maiwan na lang kami sa pwesto namin kung saan kami nakatayo. Pagbalik ni boy2, may breakdown na yung presyo kasama yung mga libre na tripod at iba pa sa halagang 25k na lang may nakalagay din na plate number ng motor. Sinabi nung boy1 na hati na lang kami ni boy2 sa 500 kasi tinulungan namin siya. Sinabi naman ni boy2 kay boy1 na kakausapin lang niya ko saglit at pinakita sa'kin ni boy2 na kasama sa breakdown yung 30% which is 7.5k na para sa agent at kaming dalawa daw yun ni boy2. Nakiusap pa si boy2 sa'kin na sa 7.5k, kanya yung 4 at akin yung 3.5 since siya naman daw naghanap ng studio. Gaya kanina, oo lang ako nang oo. Sabi ni boy2, ang mangyayari daw, pupunta daw ako sa FCIE sa may Ministop para kunin yung camera kasi wala daw stock sa studio. Manggagaling pa daw sa isang branch malapit sa Robinson's Pala-pala na isang studio din yung camera. I-check ko daw yung delivery nun sa plate number ng motor na nakalista. Ako daw kukuha nun at sa'kin ibibigay yung bayad na 25k. Samantalang si boy2 at boy1 daw ang pupunta sa studio para pumirma dahil kailangan daw yun. Naghinala si boy1 sa'min ni boy2 dahil may pinag usapan kami na hindi siya kasali at ito yung hatian sa 7.5k. Dahil dun, sinabi ni boy2 na ibigay na daw sa'kin yung 25k kasi ako yung magbabayad at bilang kapalit, ibigay ko daw kay boy1 yung paperbag na dala ko na may lamang mga binili ko sa SM at doon, inilagay ni boy2 sa paperbag yung wallet niya at Cp niya. Hiniling pa ni boy2 na ilagay ko ang Cp ko na hawak hawak ko. Dun na ako nagsalita. Sinabi ko na hindi ko ilalagay cellphone ko diyan. Para makasiguro ako, kinuha ko yung sinasabi ni boy1 na 25k na nakalagay sa medyas ng baby! Na sobrang hirap buksan dahil sa hindi maintindihang pagkakatali! Ibinigay ko ulit yun kay boy1 at sinabi kong ikaw nga magbukas po niyan. Nakita ko ang laman at masasabi kong makapal nga iyon kahit na nakapaikot pa yon gamit ang goma. May nakita akong sandaang piso na nakalagay sa pinakalabas na pagkakaayos. Pero naghinala parin ako kaya naman, sa katangahan ko parin nasabi ko pang sabay-sabay na lang kaya kami sa papirmahan pati sa FCIE para walang lokohan. Matapos kong sabihin yun, nagbago ang plano nila. Buko ko na sila dun palang. BUDOL BUDOL ANG PINASOK KO AT HINDI PAGTULONG! Sinabi na lang ni boy1 na siya na lang mismo ang pupunta sa Robinson's Pala-pala para bilihin yun. Tumawid na sila sa kabilang kalsada para sumakay at umuwi na rin ako. Nakakahiya ang katangahan ko pero gusto kong ibahagi itong karanasan ko sa iba para wala nang mabiktima. Tingin ko kabataan ang punterya ng mga gumagawa ng ganitong modus dahil madali pa mabrainwash. Ginusto ko lang naman makatulong pero iba na talaga ang panahon ngayon. Mapagbalatkayo ang mga tao. Hindi dapat agad magtiwala. Sabi nga sa sikat na linya, "Don't talk to strangers". Pag uwi ko, agad ko itong ikinuwento sa mga magulang ko kahit alam kong papagalitan nila ako. Gusto ko talagang malaman nila para pangaralan ako at para yung iba pang mga kamag-anak namin ay may kahandaan para sa ganitong sitwasyon. Sinabi nila na ang tanga ko. Pero tumatawa na lang ako. Bakit daw bumaba ako ng Langkaan, dun palang daw na-hypnotize na ako. Buti daw at BUDOL lang daw ang raket nun at hindi kung ano gaya ng kidnap at holdup dahil kung hindi, malamang pinagsasaksak na daw ako, nachop chop o hindi malayong ipatapon na namatay ng walang kalaban-laban.
ingat tayo mga brader!