Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?  (Read 14401 times)

mhiko7

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 30
  • Karma 2
Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« on: May 28, 2013, 04:03:45 pm »
Co-spies,I need serious advice... 5 mos ng pregnant yung gf ko and until now,hindi ko pa rin masabi-sabi sa mama ko yung situation.. Alam na ng family niya at naiintindihan naman nila yung sitwasyon ko pero siyempre,tinatanong pa rin nila kung kelan ko balak sabihin sa side ko. Pano kaya ako makakabwelo? Gusto ko ng masabi sa lalong madaling panahon para maiayos na ang lahat pero hindi ko alam kung paano sisimulan.. Btw,I'm 26 na and my Gf is 20. Nasa province ngayon yung gf ko and dun na siya sa knila hanggang sa manganak while I'm here in Manila,working..

Ps. Yung matinong advices lang po..  toast::

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #1 on: May 28, 2013, 04:06:57 pm »
26?!! at namromroblema ka pa sabihin sa nanay mo? laffman:: laffman:: sabihin mo nay magaasawa na ako toast::
pero seryoso I think matanda ka na masyado para hindi maintindihan ng magulang mo unless na lang asa ka pa sa magulang mo

it ain't over. . .till its over

FerminaDaza

  • Be your own Adviser.u know.and i know u know.I know because we all know.There's no getting away w/it.
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6529
  • Karma 514
  • Gender: Female
  • My only aim is to help, not convince.
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #2 on: May 28, 2013, 04:18:00 pm »
Ts, sorry ,just curious and wanted to know ,hindi po ba alam na may gf ka ng mama mo or  kilala ba nya si gf mo? May worry/ worries ka po to tell the truth ? anu naman po?  Don't hesitate to tell the truth...let go of the outcome muna, just share the good news :)

kirayamasu

  • Gulong (Automotive and Motoring)
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 85
  • Karma 7
  • Gender: Male
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #3 on: May 28, 2013, 04:22:05 pm »
you are at the right age naman kaya siguro ok na sakanila un. hindi naman magagalit un pwera nalang hindi mo pa kaya alagaan sarili mo. haha. sabihin mo in a way na hindi nila kelangan mag alala para sayo. congrats nalng brad.! toast::

gen_tigas

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 205
  • Karma 2
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #4 on: May 28, 2013, 04:27:01 pm »
Come on TS be a MAN 26 ka na, mas magugulat naman si ermats mo kung biglang baby na dala mo diba? wew Do not hesitate. Alam mo na siguro consequences ng mga actions mo. Good luck and Welcome to Fatherhood!  toast::

ServantGeneral (SG)

  • GoldMember - GS1
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1880
  • Karma 53
  • Don't stop till you succeed!
  • Special Skills: testskills
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #5 on: May 28, 2013, 04:34:43 pm »
Brother, don't worry too much!

You're 26, and not really a teenager who has to fear your parent's wrath.

To give you some encouragement, yung nanay ko ang nagsabi sa akin na buntis ang GF ko, at 20 lang ako that time. Long story short, s'ya ang naging asawa ko.

So ang payo ko,sabihin mo na sa magulang mo na buntis si GF, at sabihin mo kung ano ang plano mo. Sigurado they will love the baby!

I love Espiya.net. My grandma loves it too!

thebreed

  • 2008 Guardians
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 422
  • Karma 0
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #6 on: May 28, 2013, 04:42:05 pm »

Happy Father's Day tol,,, kailangan pa ba i memories yan,,   ::pampam   d ka na teenager,, ka usapin mo sila sa una lng yun mgagalit if mgagalit,, maiintidihan ka nila promise,, wag ka masayado mag worry buti ka pa nga ehhh,,

FerminaDaza

  • Be your own Adviser.u know.and i know u know.I know because we all know.There's no getting away w/it.
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6529
  • Karma 514
  • Gender: Female
  • My only aim is to help, not convince.
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #7 on: May 28, 2013, 05:07:29 pm »
...and of course as a sign of RESPECT na din ,you owe to give her(mom) that news ; plus an HONOR to take  stand para sa gf mo at sa family nya at para masettle na din lahat. If may big sissy o big kuya ka na kaclose mo, pwede mo din sabihin muna sa kanila then help ka nila iready or iset yun irireveal mo sa mama mo with them around ganun...might help you a bit less nervous or shy or nu man reason at naghehesitate ka sabihin sa mama mo po.



gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #8 on: May 28, 2013, 05:09:02 pm »
Hey Congrats!

bakit ka natatakot na magsabing may anak ka na e 26 years old ka na? sigurado namang matutuwa yang magulang mo.

or kung gusto mo hintayin mong mag 18 anak mo para nasa tamang edad na sya. lol. joks lang.

sabihin mo na ngayon din.

yung kakilala ko nga, sa hapag kainan pa nya sinabing bading sya sa harap ng buong pamilya nya. lol. I mean, kung yung bading may bayag para magsabing bading sya, siguardo naman akong mas matindi yung sayo dun kasi tunay kang lalake.

wildgang_10

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 284
  • Karma 18
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #9 on: May 28, 2013, 05:20:41 pm »
There's nothing to worry you're at the right age bro..

tell your parents that you got her pregnant that's it.

eventually lahat naman pupunta dyan GF mo pa lng or Asawa na, they will both get pregnant and its normal, after a few months or a year everything will fall into its place.

mhiko7

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 30
  • Karma 2
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #10 on: May 28, 2013, 05:23:39 pm »
Okay,ganito kasi yan. Lumaki kasi ako sa makalumang pamilya. Maraming bawal. Keyso ganon ganyan. Actually,karamihan sa mga pinsan ko na mas matanda sa akin and even kuya ko,hindi pa nagaasawa eh. Nakatira pa rin kami sa mga parents namin. Hindi naman sa sobrang dependent kami sa kanila,It's just that ganoon lang talaga kami pinalaki.

Plus matagal ng biyuda yung mom ko and magisa lang talaga siyang nagtaguyod sa amin kaya medyo protective. Idagdag mo pa dun na principal/teacher siya kaya talagang masungit at mahigpit.

By the way,25 palang pala ako. Typo lang.    and kahit 25 na ako,mukha pa rin akong teenager. Aaminin ko,hindi pa talaga ako handa lalo na pagdating sa financial. Wala talaga sa plano.. Kaya lalo akong nahihirapang sabihin dahil hindi ko alam ang isasagot ko kapag tinanong ako kung anong balak ko.

Pero nangyari na yung nangyari. Hindi namin sadya to pero alam kong blessing to. Paninindigan ko yung mag-ina ko and talagang magpapaka-TATAY na ko. Bigyan nyo lang ako ng maayos na advice kung pano sisimulan at diskarte para masabi ko na. THanks!!

Dadzky

  • Citizen
  • Posts: 3
  • Karma 0
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #11 on: May 28, 2013, 05:53:20 pm »
idaan mo muna sa birong patanong sa nanay mo para alam mo kung ano ang reaksyon niya like itanong mo paano kaya nay kung nakabuntis ako papaluin mo ba ako o papatayuin sa sulok  he he  ::secret

wildgang_10

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 284
  • Karma 18
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #12 on: May 28, 2013, 05:59:44 pm »
Okay,ganito kasi yan. Lumaki kasi ako sa makalumang pamilya. Maraming bawal. Keyso ganon ganyan. Actually,karamihan sa mga pinsan ko na mas matanda sa akin and even kuya ko,hindi pa nagaasawa eh. Nakatira pa rin kami sa mga parents namin. Hindi naman sa sobrang dependent kami sa kanila,It's just that ganoon lang talaga kami pinalaki.

Plus matagal ng biyuda yung mom ko and magisa lang talaga siyang nagtaguyod sa amin kaya medyo protective. Idagdag mo pa dun na principal/teacher siya kaya talagang masungit at mahigpit.

By the way,25 palang pala ako. Typo lang.    and kahit 25 na ako,mukha pa rin akong teenager. Aaminin ko,hindi pa talaga ako handa lalo na pagdating sa financial. Wala talaga sa plano.. Kaya lalo akong nahihirapang sabihin dahil hindi ko alam ang isasagot ko kapag tinanong ako kung anong balak ko.

Pero nangyari na yung nangyari. Hindi namin sadya to pero alam kong blessing to. Paninindigan ko yung mag-ina ko and talagang magpapaka-TATAY na ko. Bigyan nyo lang ako ng maayos na advice kung pano sisimulan at diskarte para masabi ko na. THanks!!


Honestly ikaw ang mas nakaka alam sa magulang mo better than us.

just tell your mom ganito ang nangyari and nag kausap na kau ng parents nya and aware na rin sila sa situation mo, for sure mabigla and magalit sa iyo iyan pero ganun talaga, dyan ka rin pupunta regardless kung anung buwelo pa ang gawin mo.

ngayun kung financial naman don't worry your family will still be in your side, pero syempre as a father kailangan mo mag sikap you have a bigger responsibility and shoes to fill now.

sa umpisa lang naman iyan pero pag nakita na nya ang apo nya maging masaya na nanay mo, like I said everything will fall into its place.

eros_daizo

  • Webmasters/Programmer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 98
  • Karma 5
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #13 on: May 28, 2013, 06:05:27 pm »
i was 21 when i had my girlfriend impregnated, had to make a choice then and was really glad i made the right choice,,
now, TS you are 26 and you don't know what to say to mother,, you had the guts to have a kid and you are afraid to tell it to your mom,, geez boy,, grow up...

sweetbayag2

  • mahirap labanan ang katamaran, nakakatamad kasi
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4211
  • Karma 53
  • Gender: Male
    • wag ka makolit, pumpyangen keta jan eh. . . .
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #14 on: May 28, 2013, 06:41:19 pm »
email mo mommy mo or change your fb STATUS to "it's complicated"  ;D
ang pagbabalik http://pickourbricks.com
http://stores.ebay.com/pickourbricks
di nako bastos, negosyante na po ako

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #15 on: May 28, 2013, 06:45:37 pm »
madali lang yan, Just do it casually, "Tay nay, tinoktak ko gf ko, nabuntis ko, ano ulam?"

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #16 on: May 28, 2013, 07:29:54 pm »
ako pinakitaan ko ng picture ng ultrasound yung nanay ko, sabay sabing "o, apo mo!"

expect mo ng magsusungit nanay mo sa asawa mo dahil nagpabuntis GF mo ng di pa kayo kasal. pero ganyan naman talaga karamihan ng byenan, masungit.

=====

pero advice lang. pakasalan mo na kahit civil wedding lang. marami kang aasikasuhin kung ipapanganak yung baby ng walang tatay. kailangan ng mga affidavit (ewan kung affidavit nga tawag doon). plus ipapaayos mo ulit birth certificate kapag ikinasal kayo after manganak.

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #17 on: May 28, 2013, 08:10:27 pm »
madali lang yan, Just do it casually, "Tay nay, tinoktak ko gf ko, nabuntis ko, ano ulam?"

 ::lmao ayos na advice to hahaha!!


maniac2999

  • Console Gamers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1287
  • Karma 178
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #18 on: May 28, 2013, 09:15:43 pm »
Kids these days, never thinking about the future.. anyway, sabihin mo lang, as easy as that, whichever way you take wala na namang magagawa sila kundi tanggapin yan


P.S. akala ko babae yung poster, considering yung age at yung klase ng tanong.

spinach

  • Rockheads
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 204
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #19 on: May 28, 2013, 09:25:37 pm »
Kaya mo yan pre. Nag asawa ako at the age of 22. No choice kundi makipag sapalaran. Mas worst pa sakin kasi 4rth yr college pa lang ako nun madami kasi akong kalokohan kaya late na naka graduate. Wala akong choice kundi mag sumikap :) matatanggap din yan ng mother mo for sure so long ipakita nyo lang na determinado kayong buuin ang family nyo.

CHILO20

  • Abysmal Chef
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1044
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • You are the reason why i fight and live on.
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #20 on: May 28, 2013, 09:26:52 pm »
hindi kana makaluma pare wag kang magpatali sa tradition nang family mo we are in the 21st century, welcum. .
diskartehan mo na lang para ka namang di lalake, kapag iiscore ka sa gf mo galing galing mo dumiskarte ngayon na nakabuo kana nag dadalawang isip ka pa. .think positive! .di ko alam story ninyo nang gf mo eh kaya ikaw lang makakagawa nanag pinakamagandang approach para diyan. .wag mo na ilihim yan baka lalong magulat kapag sinabi mo eh manganganak na.

badorski

  • BeauTitiful
  • Regional: Cebu
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 242
  • Karma 14
  • Gender: Male
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #21 on: May 28, 2013, 10:13:44 pm »
madali lang yan, Just do it casually, "Tay nay, tinoktak ko gf ko, nabuntis ko, ano ulam?"

hahahahahahahahahahahahaahahaha laughtrip talaga!
E.xperience S.ome P.ain I.n Y.our A.ss

Jacob_Black

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 263
  • Karma -2
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #22 on: May 28, 2013, 10:18:43 pm »
I was 26 when I got GF pregnant with our 1st child. She is my wife now and maybe next week lalabas na ung twins namin.
Sa problem mo naman. Wag ka matakot. You are working naman na. You have the iniative na to become independent. There is no harm in telling your mom na magiging lola na sya. Malay mo matuwa sya. Kasi yung parents ko na excite. Normal lang naman na matakot ka kasi atleast alam mo na malaking obligasyon ang pinasok mo.

Also, pakasalan mo si GF. Since may work ka naman, masasama mo sila as dependents mo sa HMO ng company and mababawasan tax mo. Malaking bagay ang health card lalo na may baby ka na.


john

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 342
  • Karma -4
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #23 on: May 28, 2013, 10:21:33 pm »
TS ang tanda mo na para problemahin yan. Kung ako magulang mo mag-aalala na ako, 26 ka na wala ka pa rin nabubuntis!

lady_spyngtondo

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 250
  • Karma 13
  • Gender: Female
Re: Paano ko kaya sasabihin sa Nanay ko?
« Reply #24 on: May 28, 2013, 10:35:46 pm »
just be honest sa mom mo... for sure magugulat siya and malamang magalit pero sa umpisa lang un... im sure po matatanggap din po nila yang magiging baby nyo ni gf :) sana may plan k n maaus para kay baby at gf... alam mo na siguro sinasabi q....

ganito... uwi ka... den gawin mo lahat para makapagusap kayo ni mommy mo ng kayo lang dalawa... then tsaka mo ikwento lahat... piliin mo ung salitang di nakakabigla ah... baka masuntok ka at ma knock out ka kasi hehehe  ;D basta kuya... magplano ka na para sa future nyo ng magiging baby mo at para kay gf... im sure matutuwa c mommy mo kung may magandang plano ka na sa buhay mo kapag inamin mo na sa kanya lahat....and sana wag mo ng patagalin para di na masyado madagdagan ang suntok na pwede mong matanggap kay mommy hehehe joke.... hopefully po maging maayos ang paguusap nyo ni mommy :)