i salute you bro sa pag amin niyan, kasi yung iba eh pinipilit na mag deny na mahina sa english eh pag narinig mo naman na magsalita terrible
based on my experience bro, ganyan din ako nung bago ako rito. btw, im here in canada. yung first time ko sa job nahihiya ako makipag usap sa mga canadian dahil iniisip ko nga na baka mali ang grammar ko. dito naman sa canada hindi talaga pinapansin ang grammar, tayo lang talagang mga pinoy ang conscious, tapos pag may naririnig pa tayong mga pinoy abroad na baluktot mag english pinagtatawanan pa natin.
so ang ginawa ko para mas matuto akong makipag socialize sa kanila, naghanap ako ng trabaho na exposed ako sa lahat. aside from my day work, naging dj din ako at night. so natuto ako at nakita ko the way they speak, ang importante lang naman bro ay alam mo yung basics like past tense, present tense, noun, verbs etc.... ang nakikita kong problema mo ay yung construction ng sentence, ganiyan din ako dati. pero alam ko yung everyday english talk alam mo yun at sanay ka na doon.
ang isang tip na nakita ko kapag makikipag usap ka sa kanila ay pakinggan mong mabuti yung sasabihin nila. then pilitin mong sagutin ng simple lang. dati nung bago ako rito nagsasalita pa lang yung kausap ko iniisip ko na yung sasabihin ko, kinoconstruct ko na sa utak ko.
... tapos isa pang tip lagyan mo rin ng slang ang reply mo sa kanila, mas madali nilang maunawaan kapag slang. kapag medyo hindi mo na sila maintindihan dahil sobrang bilis na nila magsalita, sabihin mo lang "pardon" or "sorry" it means hindi mo na sila naiintindihan.
huwag kang mahiyang makipag usap sa kanila, ang importante lang alam mo ang HE and SHE at HIS/HER, eto ang madalas na nakikita kong problema ng mga baguhang ofw. kung tutuusin bro mas magaling tayo sa english kahit kanino mo pa itanong ikumpara mo sa mga koreans at chinese at iba pang lahi.
manood ka rin ng mga english movies, gayahin mo the way they talk and the way they move.
isa pang tip, mas masarap kausap ang mga babaeng puti
masasanay ka rin bro, tandaan mo lang na in the end Proper grammar signals a higher level of education, professionalism and, in many cases, success.
btw, naka encounter ka na ba ng mga baguhang pinoy dyan tapos pag kakausapin ka in english? yung tipong nakatira na sa america ng 20 years?