wala akong masasabi bro when it comes sa experience ng pagiging ofw, Immigrant kasi ang entry ko rito.
ang masasabi ko lang ay both sides ay may advantages and disadvantages.
OFW/Worker - 2 years lang ang working visa mo. after that, mag renew ka ulit. kung skilled worker ka like karpintero, tubero, mason o anything na may kinalaman sa building, then mas malaki ang sahod mo. maliliit lang ang sahod ng mga factory worker dito. ang kagandahan lang ng OFW kasi ay yung sahod mo o kinikita mo ay halos konti lang ang napupuntahan for expenses. like mag rerent ka lang ng room, pagkain mo and groceries. isama mo na dyan yung expenses mo araw araw like transportation, yosi, sabon, toothpaste etc.... so ang the rest niyan mauuwi sa pamilya mo sa pilipinas. kaya ang magandang ginagawa ng mga OFW rito ay porke alam nilang may time limit ang pag stay nila rito ay trabaho sila ng trabaho para makaipon at maiuwi ng buo yung kikitain nila sa pilipinas.
Resident/Immigrant - of course same thing din ng needs like sa OFW, pero this time mas malaki na. porke dito ka na naka stay forever, need mo ng magandang trabaho para sa malaking sahod. so kailangan mong kumuha ng bahay(mortgage). dahil siempre dito ka na nakatira eh gugustuhin mo pa bang mangupahan ng kuwarto? need mo ng sasakyan dahil hassle na sa yo ang mag commute lalo na pag winter (mamamatay ka sa snow at lamig
), need mo bayaran yung insurance ng sasakyan, you need to pay utilities sa bahay (heat, water, electricity, cable, of course TFC) yung groceries mo, yung landline fone mo, yung celfone mo, clothes, at higit sa lahat yung taxes mo annually. para ka lang nagtatanim in the start kasi lahat ng taxes mo maaani mo yan pagtanda mo. imagine pag retire ka na at nasa 60yrs old ka na, meron kang halos 40-45thousand pesos a month from government of canada. kaya ginagawa ng mga matatandang pinoy dito eh kunin lang yung pay then uwi ng pinas para uminom kasama ng barkada, tapos balik ulit dito para kunin yung pera
libre din yung ospital mo kapag PR ka or resident, pati operasyon. ang alam ko gumagana din ang health care sa mga OFW rito. maganda mamuhay rito kung gusto mo ng tahimik at maayos na mga tao at paligid. hindi ka matatakot lumabas sa gabi. ang trabaho na lang ng mga pulis rito ay manghuli ng traffic violators
. at higit sa lahat, mababait ang mga canadian girls
marami pang benefits kapag nag stay ka na for good rito. in the meantime, yung pagiging OFW muna ang ginagawa ng iba bilang entry, and then saka na nila lalakarin kung paano maging resident dito.