gasolina lang naman ang dahilan ng lahat... research mo na lang lahat... wag lang tayo maging bias... just open minded lang tayo sa mga naririnig o nababasa... madalas ang international media ay bias o anti-muslim...
ginagamit si bin laden para makonek kay saddam... ang gasolina lang pala ng baghdad ang punterya... kahit anong paratang binibintang nila sa iraq... kesyo may nuclear weapon daw ang iraq... until now walang nakikitang nuclear sa iraq... ang masakit, patay na si saddam..
tanong, ano ba ang dahilan ng isang muslim para gumawa ng isang terorismong gawa?
eh kahit ni isang talata sa Koran walang mababasang pagtuturo sa pagiging terorista...
ano ba ang mababasa sa Koran?
Qur'an 60:8 Hindi kayo pinagbawalan ng Allâh, O kayong mga mananampalataya, na makitungo nang makatarungan sa kanila na mga walang pananampalataya na hindi nakipaglaban sa inyo dahil sa pagsaalang-alang sa inyong Relihiyong Islâm, at hindi nila kayo pinaalis mula sa inyong mga tahanan, at maging patas kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagiging mabuti ninyo sa kanila. Katiyakan, ang Allâh ay nagmamahal sa mga makatarungan sa kanilang mga salita at mga gawa.
ang masakit lang, eh yung mga taliban o rebeldeng muslim eh nakikipaglaban sa kanilang bayan na inaapi at sinasakop ng mga kano... sila pa ang tinatawag na terorista...
sina jose rizal, bonifacio, at marami pang bayani ng pinas.. noong sila ay nakikipaglaban at handang mamatay sa ating bansang sinasakop at inaaapi... tinawag ba silang terorista?
ang mga illegal squatter na pinapaalis ng mga mayayaman, sila ay handang mamatay para ipaglaban ang lupang kahit hindi kanila... tinatawag ba silang terorista?
pero pag ang isang muslim nakapatay ng isang kano... ano tawag? terorista!
ganyan ka bias ang mundo para sa mga muslim...