kakatapos lang ng party namin dito. the place is very nice BUT the service is very bad.
ang nakalagay sa contract was we would start at 8am, pero at 8am dun pa lang nagstart mag setup yung technical crew nila. nakalagay din sa contract that they would provide water dispenser with free one bottle, succeeding ones, we will pay 150 per bottle. kaso at around 930 (mga 9 na kami nakastart), napansin ko wala ang dispenser so pinafollow up ko na, tinatanong kung asan na yung dispenser. wala rin tubig sa CR sa gym, pero CR sa mga rooms may tubig. 1030, follow up again, sabi kinuha pa raw sa d'leonor bajada. 1130 wala parin. 12 noon, during lunch break, pumunta na talaga ako mismo sa admin office dun sa taas (sa gym ang party namin). imagine, hindi alam ng admin office na ganun pala problema namin (mga around 5-6 different employees na kami ang follow up, kahit sino nalang makita naming empleyado pinapafollow up namin).
after lang pag punta ko ng office nahatid yung dispenser and naturn on ang tubig sa CR. 3 hours nag tiis walang drinking water, napilitan na yung iba na bumili ng mineral water nila na tig 35 ang 350ml bottle. also pag punta ko ng admin office, nag order ng 6 cases softdrinks kasi sabi nung canteen malapit sa gym hindi raw nila kaya iserve so dun nalang sa taas mag order. until the time we left at around 4pm, hindi dumating ang softdrinks. fast forward to mga 1230 naubos na yung isang bote sa dispenser (imagine 100 people just finishing lunch without any other option for drinks since hindi nga dumating ang softdrinks), dumating ang second bottle mga 140pm na yun, nung patapos na ang party.
nung mga 2pm, balik na ulit sa admin office to settle the bill. again nireklamo ko yung dispenser, tubig sa CR, etc. pinatawag daw nila yung incharge dun sa area na yun para mag bigay ng explanation. 330pm at natapos na kami lahat2x sa bill hindi dumating yung tao. and we were there for more than 1 hour already just to settle the bill. hindi ko na hinintay yung tao at umuwi nalang baka abutin pa ako ng 5pm dun sa kakahintay dun sa tao. ganun kabagal ang service.
the worst part was that i heard yung nag regional convivence daw pala yung Neo catechumenal way nung november,mga 300 people, they (may mga empleyado na members) also had the same experience of very bad service.
so the place may be very nice but because very bad service, hindi worth it pumunta dito. next week yung sister company namin naman ang mag party dun. of course the feedback they will hear wont be good but since its a little late to change plans, i guess magtitiis nalang din sila sa sobrang pangit na service.