marami ka din ba inisip nung nakaranas ka ng ganito? yung mga payo mo effective po kasi yun ang ginagawa ko ngayun? wala ka bang iniinom mna gamot nung mga panahon na iyon? like vitamins or herbals? tea?
Actually wala, pero pinalitan ko siya ng pine apple juice. Noong una mainit na tubig lang gamit ko every morning para di manibago ang sikmura ko na may iniinom na mainit sa umaga, then juice na lang, pero dahan dahan ka lang sa juice kasi baka madali ka naman ng ulcer niyan.
Try mo damihan ang tubig na inom mo. Pag nag hahanap ka talaga ng caffeine try mo ang chocolate. Hanap ka ng magandang klase ung dark chocolate medyo mahal pero ok naman siya then paunti unti shift ka sa sweet chocolate wag marami ha, kain ka lang pag talagang naghahanap ka ng coffee.
Maganda rin ang hot chocolate drink pero wag marami mas maganda matabang ng konti pangit ang masyadong sweet, nang sa gayon unti unti mong matanggal ang addiction sa caffeine. Aminin man natin sa sarili o hindi naging addict na tayo sa caffeine, ung chocolate kasi meron din pero maganda siyang alternate una kasi mahal kaya di ka mapaparami.
Continue mo lang ang ginagawa mo, make yourself more productive saka mo lang mararamdaman na masyado ka ng busy at napapagod I'm sure you will have a good rest after those activities.
Actually pag pagod ka di ka na mag iisip ng kung ano ano, mas gusto mo pa magpahinga. Tulad ng sabi ko drink or try chocolates pero ung tama lang kasi baka mas lalo kang di makatulog.