nung high school ako, martial law era nun. very progressive dito sa ilocos norte, mapayapa, walang NPA, walang krimen, parang Davao City ngayon with Duterte taking care of his people, ganun dito nun. tanungin ninyo kahit sinong ilokano kung sino ang greatest president, halos iisa ang magiging tugon namin. oo may bias kami sa kanya, hindi namin ikakaila at hindi namin ikinahihiya ang aming paghanga at pagrespeto sa kanya. yet. alam din namin na may mga nagdusa sa kanyang rehimen, hindi kami bulag sa katotohanan na yan. pero eto sasabihin ko sa mga kabataan ngayon: it was a very different time, there are compromises that needed to be done. nakikiramay ako sa mga nabiktima sa bad side ng kanyang pamumuno, taus puso akong naniniwala na sana mabigyan din sila ng hustisya. PERO GAYUNPAMAN, mali ang husgahan si Apo Marcos na totally na masama. may mga pagkukulang siya, oo. pero katiting lang yan sa nagawa niyang kabutihan. media lang naman at mga crony ni cory at cardinal sin ang nagpalala sa kanyang imahen.