Mga Brads,
Ang sinulat niyang artikulo ay tunay namang nakakasakit ng damdamin sa unang basa dahil sa mga tinuran niya, na ang pambansang lenggwahe ay salitang pangkalye.. pang-utos sa mga katulong or pakikipagusap sa mga tindera..at pagpapasundo kay manong.
Sa tinuran niya na ang lenggwaheng Ingles is the "language of the learned" ay di sadyang totoo at may bahid na pagka-arogante at panlalait.
Sa kanyang mga sinabi, maituturing natin na ito ay isang repleksyon ng ating lipunan sa ngayon.
Some parents are thinking that in order for their kids to have an edge in school,they need to teach English first to their kids at home before they even step in their nursery level. Which is the means to score high grades in their subjects/courses and in the long run to secure a high-paying job after graduation.And even to be able to work abroad. Wala naman masama dito, pero ang nangyayari ay hindi nagiging balanse.
Tama si brader cheeze013 :
I was appalled when he said "These skills were required to survive in the outside world, because we are forced to relate with the tinderas and the manongs and the katulongs of this world. If we wanted to communicate to these people — or otherwise avoid being mugged on the jeepney — we needed to learn Filipino", not because he said it, or because of the content of the statement, but because some parents, families, and societies would actually miseducate kids like him in such a way. You cannot raise a kid in a rotten way and expect him to come out unscathed.
Poor parenting, poor upbringing, poor education.
Ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na napakadalubhasa sa mga iba't-ibang diyalekto at lenggwahe pero sa wikang Espanyol niya sinulat ang kanyang mga mahahalagang gawa or obra maestra,alam natin na ito noon ang ginagamit na "language of instruction" sa mga unibersidad na pinasukan niya dito at sa ibang bansa, pero hindi nawala sa kanya ang damdaming Pilipino dahil sa impluwensiya at pagmamahal ng kanyang mga magulang, mga kaibigan at taong nakapalibot sa kanya at sa lugar na kanyang ginagalawan.
Si James Soriano ay isa lang sa mga biktima ng ilan sa ating mga kabataan na lumaki sa pa-elitistang mentalidad na patuloy na nagpapababa at nagpapapahirap sa kondisyon ng ating mga mamamayan at ng ating bansa.
Naging isang biktima na sana sa kalaunan ay maisip ang kanyang pagkakamali at pati na rin ng mga taong naging instrumento nito.
At sana ay maiba at mabago ang paraan at sistema ng ating edukasyon sa Pilipinas na malimit at kadalasan ay di na akma sa panahon na ating ginagalawan.
Ang sinulat ni James Soriano ay isang paraang panggigising sa ating lahat, it reflects the truth of what kind of society we are having now , the elite , the poor education system and the corruption in the government.
Di masamang magalit, pero huwag nating kakalimutan ang aral na dapat pulutin at intindihin, at sa bandang huli makakagawa ng tamang aksyon ang bawat isa sa atin. It also boils down to us, on how we can contribute to the challenge that is needed in this Philippine society.
Mabuhay ang Espiya!