Fine kung di mo gusto move on... Hindi naman ako personal na tao. Ang di ko kaya palampasin ang komento na walang basehan. Kapag pangit pangit ok lang yun pero sabihin natin yung dahilan kung bakit pangit, hindi yung..
"pass.. sayang ang oras at pera pag pinanood to.. ano na bang nangyayari sa pinoy cinema ngayon.. buti pa ang mga indie films.. "
kahit nga duon sa Humor section hindi ubra yung ganitong reply.
"Indie Films", Alam ba natin kung ganito kahirap mag-produce ng "Indie Films"? Malamang ikaw hindi kasi you can shrug it off and say "sayang ang oras at pera". Pero sa amin na talagang nagsasayang ng "oras, pera at pagod" para makagawa ng Independent Film, we can't let this happen.
Ang tagal ko na nag-share dito sa Espiya at kahit minsan di ko sinabi sa nagpapatulong sa akin na
"Pass... sayang oras, pagod at pera ko sa pinapagawa mo..." o kaya
"That is a crappy picture"
... wedding, binyag, kasal, libing, project sa eskwela wala ako pinili.
Hindi bawal magbukas ng thread at mag-comment, pero di rin bawal na maging responsable kapag nagbukas tayo ng thread at mgaing sensible kapag nagsimula na tayong mag reply.
Respeto lang sa "Hirap at Pagod ng iba" yun lang yung hiling ko at sigurado ng nakakarami ng andito sa Espiya