sa dami ng mga masasamang pangyayari sa,mundo (lindol, typhoon, twisters, war) at recently ang eclipse na naging pulang pula ang buwan. sign na kaya ito ng nalalapit na katapusan as stated in the bible?
read revelation 6:12 "I watched as the lamb opened the sixth seal. A powerful earthquake struck. The sun turned as black as sackcloth made of hair. The full moon turned as red as blood." isipin nyo kung eto na nga yung binanggit sa bible. seven seals lang lahat yun at pang-sixth na pag nagkataon. isang seal nalang ang bubuksan then ang pagbabalik na ulit ni Jesus Christ.
alam nyo bata pa ako ng binasa ko ang book of revelation (apocalypse) and tumatak sa isipan ko ang marami sa mga mangyayari na nabanggit sa bible pero itong pag-red ng moon ang talagang tinandaan ko ng husto dahil sabi ko ito ang magiging physical na palatandaan ko sa "Kanyang" pagbabalik. nang makita ko sa dyaryo and TV ang recent eclipse, kinilabutan ako ng husto. sabi ko "nagsimula na..." hindi ko binabanggit sa kahit kaninong malapit sa akin ang mga bagay na ito dahil baka pagtawanan lang nila ako. pero nababahala ako. nalulungkot dahil di ko alam kung hanggang kelan ko makakasama ang anak ko. 2 years old pa lang sya at gusto ko pa syang makasama ng matagal. pero hindi natin mapipigilan ang Diyos kung talagang gusto na nyang i-end ang sanlibutan.
i know mayroong scientific explanation kung bakit nagiging red as blood ang moon kung eclipse pero hindi ko maiwasang di isipin yung mga nabasa ko. pero kung nasa sixth seal na tayo, ibig sabihin matagal nang sarado ang pintuan ng Diyos para sa mga taong gustong magbagong buhay. sa pagkakaalam ko before pa man buksan ang first seal isasara na ang pinto ng langit eh (correct me if i'm wrong). masamang masama akong tao. pero deep inside me mayroong namang mabait na part, yun ay ang pagmamahal ko sa pamilya ko. yun nga lang pano ko pa itatama ang mga maling nagawa ko kung sarado na nga ang langit para sa akin?
as final words, walang taong makakapagsabi kung kelan talaga ang paggunaw ng mundo. pero tinging ko ang lahat ng mga nangyayari ay hudyat na nalalapit na nga...