Tingin ko, mas mabuting iwan na lang natin sa mga Katoliko yung mga paniniwala nila sa mga rituals ng religion nila. Tulad din ng paniniwala ng mga Muslim, Buddhist, INC members, Mormons, at iba pa, mas maganda kung hahayaan natin sila sa paniniwala nila kasama na dito ang mga gawi ng mga walang pinaniniwalaang Diyos.
Share with them the verse of the bible that you want them to read and then let them decide for themselves kung paniniwalaan o susundin nila ito. Ang Diyos mismo ay hinayaan ang tao na magkaroon ng "free will" siguro mas mainam na ito din yung sundin natin.
Iwasan din nating manghusga ng kapwa/paniniwala, baka ito pa yung maging dahilan para lalo tayong magkasala kontra sa kapwa natin at sa Diyos na ating pinaniniwalaan.
Just an afterthought, ang mga Hapon predominantly ay hindi Kristyano pero kung ikukumpara mo yung naging asal nila noong tinamaan sila ng tsunami na walang nagkagulo o nakawan o singitan sa pila habang binibigyan sila ng relief goods at ikukumpara mo sa isang Kristyanong bansa tulad ng bansa natin at ang naging asal ng iba nating kababayan pagkatapos ng Ondoy, medyo kapuna-puna yung pagkakaiba ng gawa natin kesa dun sa ating mga paniniwala. Siguro dala na rin ng kahirapan at ang kultura ng mga Hapon na medyo mas strict kesa sa atin, pero yung kwento ng isang GMA reporter tungkol dun sa pagtanggi ng isang driver na Hapon na kumuha ng gas sa mga nakahalang na sasakyan dahil hindi daw ito kanya, ayaw nyang magnakaw at ayaw nyang mapunta sa impyerno(aside from the fact na maaaring nahaluan na din ng salt water yung gas na yun) ay isang nakaka-bilib na pananaw, pananaw na nakaligtaan na ng maraming mga naniniwala kay Kristo.
"Ano man ang iyong ginagawa sa iyong kapatid, ay sya ring ginagawa mo sa akin."
(Of course, this is only for those who believe in God.)
Masyadong idealistic yung thought na yan, pero ang paniniwala ko nga, kapag nawala na yung idealism natin, ito na ang simula ng mas malaking gulo.