Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto  (Read 6072 times)

kidd_gilagid

  • Gulong (Automotive and Motoring)
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 55
  • Karma 4
Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« on: November 29, 2010, 09:37:50 am »


Tiyak na magbabago na ang buhay ng kaisa-isang masuwerteng lotto bettor na nakakuha ng six digit number combinations ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Base impormasyon na ipinarating ng PCSO sa Bombo Radyo, isang taga Luzon ang bagong multi-milyonaryo matapos na eksaktong matamaan ang lucky number combinations na 11-16-42-47-31-37.

Ang gantimpala sa ika-86th draw ng Grand Lotto ay ang nakakalulang P741,176,323.20.

Sa buong kasaysayan ng state lottery, sinasabing ito na ang pinakamalaking papremyo na napanalunan ng mananaya.

Nalagpasan na kasi nito ang P347,836,903.20 na premyo noong February 22, 2009 draw ng 6/49 Super Lotto, kung saan dalawa ang masuwerteng nanalo.

Ang Grand Lotto draw ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Umabot din ng halos anim na buwan bago nahulaan ang Grand Lotto prize na huling napanalunan ng isang taga-Batangas noon pang buwan ng Mayo.

Samantala, sa bahagi naman ng 6/45 Megalotto ang jackpot prize ay umaabot na sa P5,104,884.60 at ang kukumpletong numero para sa naturang premyo ay 31-35-02-16-33 at 43.

Una rito, ipinanalangin ng PCSO na sana ay meron ng manalo grand prize.

Ilang oras bago ang bolahan, inamin ni Ms. Liza gabuyo, assistant general manager for operations ng PCSO na maging sila ay umaasa na sana'y may manalo na rin sa jackpot prize.

Ayon pa kay Gabuyo, wala rin namang problema kung magkaubusan ng ticket sa dahilang marami umano silang stocks sa warehouse at kung maubusan man sa mga ticket outlets ay maaari pa ring makataya sa dahilang puwede maging mano mano na lang pagpasok sa terminal ang numero ng mananaya.

Samantala, dismayado si Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa nangyayaring kultura ngayon ng gambling sa bansa dulot ng lotto fever.

Nakakahiya aniya na pinag-uusapan sa bawat sulok ng bansa ang lotto hindi lamang sa mga barberya, lugar ng mayayaman sa Makati City, iskwater area at iba pang sektor, kundi maging sa Kamara, Senado at Malacañang.

Nangangamba siya na baka pati baon ng ilang mga bata ay binabawasan na rin ng ilang magulang para lamang makataya ng lotto.

Binigyang halimbawa rin nito na maging ang panaginip ng mga bata ay kinukulit ng ilang magulang para lamang malaman daw kung ano ang maswerteng lalabas na numero.

Kaya naman ang kanyang panukala na hanggang P500 milyon lamang ang limitasyon ng premyo at pagsomogra ay ilaan na sa sa ibang pangunahing serbisyo.

Ayon naman sa PCSO, ang 30 porsyentong kinikita sa lotto ay itinatabi para sa charity.

http://www.bomboradyo.com/index.php/story-of-the-day/30234-taga-luzon-solo-winner-sa-p741-m-grand-lotto

page up

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 495
  • Karma 9
  • Gender: Male
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #1 on: November 29, 2010, 09:43:54 am »
ang swerte swerte swerte ng taong ito! huh! grabe ka swerte!

waldner

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 541
  • Karma 9
  • Gender: Male
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #2 on: November 29, 2010, 10:08:15 am »
We cannot be too sure if there is indeed a winner. Madali lang naman sabihin na me tumamang tricycle driver, balot vendor, labandera, etc. Pero ang real score jan ay kung totoo ba talagang me tumama? Unlike in US and UK, very credible ang lotto pero dito sa atin, ay ewan ko lang.


I am the captain of my ship; I am the master of my soul.

spongklong05

  • Citizen
  • Posts: 3
  • Karma 0
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #3 on: November 29, 2010, 10:15:24 am »
im doubting on this one too. Sakto may nanalo kung kelan mainit na ang usapin on this one. Marami nang may gustong kumuha nyan kaya sinabing may nanalo na. ewan ko. maniniwala na lang ako pag ako nanalo  laffman::

yamatoyukihiro

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1239
  • Karma 0
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #4 on: November 29, 2010, 10:28:17 am »
wow, kung hindi man yan luto saksakan naman ng swerte nung nanalo! ang laking puhunan din nun.

camz00

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 935
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • ESPIYA ROCKS!!!
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #5 on: November 29, 2010, 10:50:31 am »
OMG! :o seryoso? may tumama na? grabe swerte!

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #6 on: November 29, 2010, 11:08:24 am »
i remember, tumaya ako ng 6/42, 5 combination lumabas sayang isa nalang jackpot sana 15.M.
meron talagang nanalo sa lotto pero sa ganiyang jackpot "700M" ewan... mas maniwala pa ako kung 50 milyon eh. ordinaryong tao nanalo niyan... kung 200million plus... ewan....  ;D ;D ;D
pero suwerte yung nanalo ng lotto 700million plus.... napakasuwerte.... toast::

GrapixHD

  • im the best in the world on what ive do..
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 343
  • Karma 0
  • to be the man you must defeat the man..
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #7 on: November 29, 2010, 11:41:48 am »
i wish it was me.. hahah! totoong may nanalo s lotto dun poh s sinabi mong nanalo nang 300m on 2009? 2008 poh ata un.. kasi panalo dapat mama koh on feb 08,2008 134m di lang nya n taya T_T saka d aabot nang 300m un kung nanalo kame.. it a god will talaga guys.. he/she is lucky definetly



Asinta-do

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1182
  • Karma 8
  • Gender: Male
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #8 on: November 29, 2010, 06:28:30 pm »
Congrats kung sino ka mang saksakan ng swerte ka! 741m!? whew! Sakit ng ulo mo ngayon pano mo gagamitin yan dami lalapit sayo wahahaha.  ::lmao

shavehead

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 541
  • Karma -1
  • Gender: Male
  • Hi to all fellow Espiya....
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #9 on: November 29, 2010, 08:46:35 pm »
pilipinas lotto are stupid....

niloloko lang kayo ng PCSO......

kaya nga ako hindi tumataya...

angelNdevil

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1132
  • Karma 24
  • walang matigas na bato sa ma init nga tisyo.
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #10 on: November 29, 2010, 09:13:17 pm »
wow naman marami na ngayon ng maman mga tulisan hehe
I     S     T     O     R     Y     A    H     E     E 

abunjo

  • 2008 Guardians
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 223
  • Karma 0
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #11 on: November 29, 2010, 09:15:25 pm »
We cannot be too sure if there is indeed a winner. Madali lang naman sabihin na me tumamang tricycle driver, balot vendor, labandera, etc. Pero ang real score jan ay kung totoo ba talagang me tumama? Unlike in US and UK, very credible ang lotto pero dito sa atin, ay ewan ko lang.

+1 ako sayo.maaaring goverment parin ang kumuha nito.sa ibang bansa nga pinapakita nga kung sino ang tumama ng mga lotto.dito sa atin nakapagtataka.

jg

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 308
  • Karma 6
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #12 on: November 29, 2010, 10:05:26 pm »
ang gagaling nyo magbintang na niloloko lang tayo ng gubyerno e hindi naman pilipinas may ari ng lotto natin. its a malaysian owned company they also run it pcso only manages it.

ang hirap maniwala sa mga bintang nyo ganung hindi nyo nga alam kung sino ang tunay na may ari.

voyager_

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2717
  • Karma 34
  • Gender: Male
  • ROG Strix GL753-VE
    • "The Iglesia Ni Cristo"
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #13 on: November 29, 2010, 10:31:11 pm »
wag n kayo magkagulo!!!!!


ako yung nanalo ng luto...

ibigay nyo mga adress nyo papadalhan ko ko tig isang kaha ng marlboro. ;D


 ::flowers ::flowers ::flowers ::flowers ::flowers ::flowers

masama ang sugal mga kapatid....pera lang yan....
Rom 1:23  At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

Zuproc

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1673
  • Karma 12
  • Travelling is not that expensive. Diskarte lang!
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #14 on: November 29, 2010, 10:32:44 pm »
Ewan ko lang kung sinong nanalo dito. As far as i can remember nagka issue na ang lotto, nung may magclaim na nanalo siya, ayaw ibigay yung price kasi pineke niya raw yung ticket. lol Baka naman pulitiko nanalo. ha ha. .

bakekong12345678

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2551
  • Karma 8
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #15 on: November 30, 2010, 03:20:44 am »
waaaa. di ako nakataya hehehe. 3x ako tumaya nung thu at sat. pero di nanalo tsk tsk.. swerte aman. better luck next time....



dragonking57

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2988
  • Karma 220
  • Gender: Male
  • "I imagined a dragon inside myself."
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #16 on: November 30, 2010, 04:07:45 am »
May nanalo na pala,buti na lang d ako nakataya kahapon. ;D

Eto para maiba naman...napagusapan lang to sa kanto narinig ko lang at naitanong ko na din sa sarili ko to pero wala akong sagot e.  ???

May epekto ba ang dasal sa sugal? Pano ang dasal ng mga mahihirap na tao na umasa sa panalangin nila na panalunin sila?D kaya nawalan sila ng paniniwala sa diyos? Bakit isang tao lang ang nanalo e kung may epekto ang dasal d ba sana e marami ang pinanalo lalo na yung mahihirap?
Sabi ng iba swerte daw,e pano naman yung sinasabi na ang lahat ng ngyayari sa buhay e nakalaan na para sa taong yun?Ibig sabihin ginusto ng diyos na sumaya at matuwa yung isang tao at malungkot yung nakararami?

LAHAT po e QUESTIONS..kaya no violent reaction pls.  ;)


DokitoPrito

  • FriedChicken Master
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 538
  • Karma 0
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #17 on: November 30, 2010, 04:13:10 am »
sbe ko pa naman sa mga friends ko bago ako tumaya "ito na ang huling araw na magiging mahirap ako"

Reaver

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 336
  • Karma -5
  • Gender: Male
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #18 on: November 30, 2010, 05:02:36 am »
ang gagaling nyo magbintang na niloloko lang tayo ng gubyerno e hindi naman pilipinas may ari ng lotto natin. its a malaysian owned company they also run it pcso only manages it.

ang hirap maniwala sa mga bintang nyo ganung hindi nyo nga alam kung sino ang tunay na may ari.

Doesn't matter who owns what, you're forgetting you're in the Philippines, scams are always present...

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #19 on: November 30, 2010, 05:28:46 am »
+1 ako sayo.maaaring goverment parin ang kumuha nito.sa ibang bansa nga pinapakita nga kung sino ang tumama ng mga lotto.dito sa atin nakapagtataka.

hindi applicable yun sa Pinas kasi mayyari yun..yung isang Lotto winner nga na friend ng ermat ko.. pinasok sa bahay dahil nalaman na nanalo sa lotto eh ayun dedo at ngayon wala na rin pera kasi pinagsasamantala ng mga kamaganak at mga kaibigan kuno

it ain't over. . .till its over

abunjo

  • 2008 Guardians
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 223
  • Karma 0
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #20 on: November 30, 2010, 07:29:00 am »
ang balita ko taga pampanga ang nanalo.tumaya daw sa subic.sino ba ang taga pampanga? hehehe... alam na ;) ::inposition

policarpio014

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 240
  • Karma 0
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #21 on: November 30, 2010, 07:44:21 am »
di kaya si bishop cruz ang nanalo??hehe peace!!!

kicakepucake

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1013
  • Karma 26
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #22 on: November 30, 2010, 08:22:18 pm »

 Kahit spend nya to ng 1M a month mamamatay siya hindi niya ito ma uubos. May 61 years siya para ito ma spend. Sarap yata mabuhay!

louiecuties

  • Guest
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #23 on: November 30, 2010, 09:04:07 pm »
guys balita sa inquirer taga zambales daw ang nanalo and sad to say this hindi pa daw na claim ang prize....


jg

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 308
  • Karma 6
Re: Taga-Luzon, solo winner sa P741-M Grand Lotto
« Reply #24 on: December 02, 2010, 11:41:16 am »
sad to say this hindi pa daw na claim ang prize....

walang magic na nangyayare kaya dont be sad. kung ikaw ang manalo i bet you will wait until malimutan na ng mga tao yung nanalo before you claim the prize. kung manalo ka you will be extremely paranoid! pag punta mo sa pcso baka tandaan ng mga tao itsura mo at kidnapin ka worse baka agawin sayo yung ticket.


so natural lang na hindi muna i claim yan, mag plano muna sya ng safe way para makuha pera nya.