ala pa po pero maglalagay ako now..
Sana ala Sharon YU ang fez mo. Ako nga pala si Marteniko...aka....THE SEXIEST MAN ALIVE (sabay bunot ng suklay sa bulsa at hagod sa bangs). Nag-iisang binata dito sa Espiya at kahit mala-artistahin ang arrive ko e punong-puno ng pagpapakumbaba ang aking pagkatao. May ilang habilin nga pala ako sayo:
Si Hupaw, dalawa na ang naging asawa nyan. Yung una namatay sa gutom. Yung pangalawa, nasira ang ulo sa sobrang kahirapan na dinanas sa buhay. May pagkakataon na laway na lang inuulam nila.
Si Namster, tatlo na ang naging asawa nyan. Yung una, namatay kakakain ng tulingan. Yung pangalawa namatay din kakakain ng tulingan. Yung pangatlo namatay, pinalo ng tulingan sa ulo dahil ayaw kainin.
Ako....hmmm.... hahawiin mo ang ulam para makita mo ang lamesa.