As an ideal, lagi naman may democracy. Yun lang interpretasyon nito sa pananaw ng karamihan sa Pinoy ngayon ang nanaig, na akala ng Pinoy ngayon, democracy is doing anything na gusto nila without taking responsibility sa kanilang action. The vote is a very sacred part of the democratic process, in fact, it is the very essence of democracy but ang problema ay ipinawalang bahala ng karamihan ang importansya nito. Nuong panahon ni Mr. Ferdinand, walang election. Nagkaroon tayo ng election ngayon pero ano ang ginawa ng marami - ipinagbili ang kanilang boto or hindi bumoto ng tama, naghalal ng mga gago dahil nadala ng propaganda at hindi nag isip. Halimbawa ngayon, pagpipilian lamang ang isang butangero, isang sikat na maglulupa, isang anak ng dating pulitiko at isang abugado. Yun na lang ba ang pwede natin pagpilian? Why do we limit our choices dun lang sa apat na lahat naman ay di marunong sumunod sa batas - may batas against premature campaigning? Pag nanalo ang isa man sa mga yan, we only have ourselves to blame dahil hindi tayo na naman nag isip sino ang dapat na iluklok sa pwesto. At pag nagkaloko loko na naman eh sasabihin na wala demokrasya.
To give a concrete example, naghalal ng pari sa Pampanga na akala nila na ang pagiging hindi magnanakaw ay sapat na. Wala naman palang alam sa governance ang pari, ang alam lang ay paramihin ang pera ng bayan. Pero hindi naman pagpaparami lang ng pera sa kaban ng bayan ang essence ng governance. So ang pera ay nakadeposito lang sa bangko at hindi nagagawa ang maraming gustong gawin ng mga mayor sa kanilang lugar. Baka maghalal na naman tayo ng hindi nga magnanakaw dahil gusto daw nitong preserve ang magandang pangalan ng magulang pero baka hindi na naman din ito marunong ng governance so ganun din mangyari sa buong Pinas tulad ng nangyari sa Pampanga. Maghalal tayo ng butangero na kinalakihan na ang pagiging tomador eh mawawala ba yan bigla sa loob ng tatlong taon ng pagkakulong?
The price of democracy is vigilance. Nuong ipinaglaban natin ang kalayaan, maski ang makakaliwa ay naging fence sitter na lamang ng kasaysayan - napag iwanan sila instead na sila sana ang vanguard ng struggle. Nagawa na natin magkaisa nuon upang baguhin ang sistema at maaari na naman natin gawin yun if only we act as one and be vigilant with our rights. Let us not be just fence sitters witnessing history unfold in front of our very eyes - let us all be participants in making democracy work. Kalimutan na natin ang attitude na iaasa lang sa mga opisyal ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng bansa - let us be active in making democracy work. We owe that to ourselves and to the next generation of Pinoys.